^

True Confessions

Ang Magkapatid (3)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

DALAWA ang gumugulo sa isipan ni Ipe ng mga sandaling iyon na ilabas sa ER ang bangkay ng kanyang mama para dalhin sa morgue: saan sila kukuha ng perang pampalibing sa kanyang mama at paano sila mabubuhay ng kanyang kapatid na si Ada ngayong wala na ang kanilang mama?

Iniwan sila ng kanyang mama sa isang mahirap na sitwasyon na kahit anong gawin niyang pag-iisip dito ay hindi magkasya sa kanyang utak. Mabigat ang hinaharap nila ni Ada at hindi niya alam kung paano magsisimula. Ano ba ang kasunod na gagawin ngayong nakabalot na sa puting kumot ang kanyang mama at itinutulak patugong morgue. Paano nila ito kukunin doon para paglamayan? Saan sila kukuha ng pambili ng kabaong? Saan ibuburol ang kanyang mama?

“Kuya, anong gagawin natin?” tanong ni Ada na humawak sa braso niya. Gulung-gulo ang buhok ng kapatid. Namumugto na ang mga mata sa kaiiyak.

“Hindi ko nga alam,’’ sabi niyang nanlalambot. “Umupo nga muna tayo dun. Parang hindi ko na kayang tumayo.’’

Naupo sila.

Hindi pa sila natatagalan sa pagkakaupo ay may dumating na babae.

“Kuya si Ninang Karla.’’

Si Karla ay tindera sa palengke.

“Ano Ipe? Anong nangyari sa mama ninyo?’’

“Wala na po siya Tita.’’

Napaiyak si Karla.

“Nasa morgue na po si Mama, Ninang, “ sabi ni Ada.

“Ano pong gagawin namin, Tita?” tanong ni Ipe.

“Hayaan mo at pagtutulung-tulungan naming mga tindera sa palengke para maiburol nang maayos ang mama n’yo. Wala namang ibang tutulong kundi kami. Basta, ako ang gagawa ng paraan.’’

“Salamat po Tita.’’

 

APAT na araw binurol si Anna Rose. Sa ikalimang araw ay inilibing sa isang public cemetery.

Habang pinagmamasdan ang nitsong pinag­lagakan ng kabaong ng ina ay tila walang laman ang ulo ni Ipe. Hindi pa rin niya alam ang mga gagawin.

“Paano tayo ngayon, Kuya?’’ tanong ni Ada.

“Hindi ko nga alam, Ada.’’

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with