^

True Confessions

Sinsilyo (118)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

GULO pa rin ang isip ni Gaude dahil sa gina­wang pagpasok ni Lyka sa kuwarto. Hindi siya makapag-concentrate sa ginagawa. Kapag nalaman ni Tito Mau na nalaman ni Lyka ang tungkol sa barya, baka palayasin siya. Kapag nangyari iyon, hindi na siya makapag-aaral. Hindi na matutupad ang pangarap niyang maging teacher. Baka sa huli ay uuwi rin siya sa probinsiya na walang natapos. Kawawa naman siya at ganundin ang kanyang ama. Uma­asa pa naman ang kanyang tatay na magtatapos siya ng pagka-teacher.

Tama nga yata ang sabi ni Lolo Kandoy na hindi ma­ganda ang tingin niya kay Lyka. Sabi ni Lolo Kandoy, tingin niya, magdadala ng mga problema si Lyka. Nagkakaroon na ng katotohanan ang mga sinabi ni Lolo Kandoy at siya ang unang nasampolan.

Napailing-iling si Gaude. Sana nagmatigas siya na hindi pinapasok si Lyka sa silid niya.

Dahil sa isiping iyon, pinuntahan niya si Lolo Kandoy at sinabi ang problema.

Nagulat ang matanda pero inunawa si Gaude. Pinayuhan ito.

“Pagdating ni Mau, kausapin mo at sabihin ang lahat nang nangyari. Mabuti nang maging ma­tapat ka.’’

“Opo, Lolo Kandoy.’’

 

DALAWANG araw ang lumipas, dumating na si Mau. Naglilinis si Gaude sa salas. Napansin niyang malungkot si Mau. Bagsak ang balikat nito. Nagtaka si Gaude.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAGSAK

DAHIL

ITUTULOY

KAPAG

KAWAWA

LOLO KANDOY

LYKA

SIYA

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with