^

True Confessions

Sinsilyo (41)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKIT ka tumitingin sa akin?” tanong ni Lolo Kandoy kay Gaude.

“Umaalis po ba talaga si Tito Mau?”

“Oo. Maniwala ka sa akin.’’

“Sinong naiiwan dito? Sinong nagluluto ng pagkain sa inyo?”

“Ako!”

Hindi makapaniwala si Gaude. Nagbibiro yata si Lolo Kandoy.

“Ikaw po?”

“Para ka namang niloloko.”

“Ikaw po talaga Lolo Kandoy?’’

“Oo sabi.’’

Nag-isip si Gaude.

“Pero mga dalawang araw lang mawawala si Mau. Hindi naman sinasabi kung saan nagpupunta. Basta ang sabi sa akin ay aalis siya at mawawala ng dalawang araw.’’

“Ikaw po ang lider ng mga matatanda kapag umaalis siya?”

“Hindi naman lider. Ako lang ang nagluluto. Ako lang kasi ang marunong magluto. Yung iba patabain lang. Yung Kastilaloy lalo na. Parang senyorito.’’

Nag-isip uli si Gaude. Kung si Lolo Kandoy ang napagkakatiwalaan ni Tito Mau bakit parang ngayon ay biglang tumabang ang pakikitungo rito at pinagbibintangan pa. Gaya nang mga bakas ng paang may putik na nagdaan sa salas ay si Lolo Kandoy ang pinaghihinalaan. Basta may nangyari sa bahay ay si Lolo Kandoy ang suspek.

“O ba’t nag-iisip ka yata Gaude?’

Nagulat si Gaude sa tanong ni Lolo.

“Naisip ko po, vibes pala kayo dati ni Tito Mau ay bakit parang inis siya sa iyo.”

“Anong baybs?”

“Yung mabuti ka-yong magkaibigan o magkasundo dati?’’

“A ewan ko. Basta na lang nainis sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong ginagawang masama.’’

“Baka naman may nasabi kang hindi nagustuhan?”

“Wala! Ano namang sasabihin kong masama sa kanya?”

“Bakit po kaya parang inis siya nga-yon?”

“Ewan ko.’’

Maya-maya, nakita nila ang paglapit ni Lolo Dune o Kastilaloy. Parang galit ang Kastilaloy.

“Hoy Kandoy ikaw ba ang tumae sa inidoro?” sabi nito na nakaduro kay Lolo Kandoy.

“Hindi!”

“Sinverguenza! Hindi mo binuhusan ang inidoro! Ikaw ang huling gumamit!”

“Hindi ako!”

“Sinungaling ka!”

(Itutuloy)

vuukle comment

HOY KANDOY

IKAW

KANDOY

KASTILALOY

LOLO

LOLO DUNE

LOLO KANDOY

TITO MAU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with