fresh no ads
Advice:Roomie and bestie | Philstar.com
^

Supreme

Advice:Roomie and bestie

The Philippine Star
Advice:Roomie and bestie

 “May gusto po ako sa crush ng best friend ko na nagkataon ay roommate ko,” Summer says of her dilemma. Bear with us here.

Dear Tita Witty,

Ako po si Summer, kabilang po ako sa LGBT community. May gusto po ako sa crush ng best friend ko na nagkataon ay roommate ko. Mas nauna pong na-in love ‘yung best friend ko kay roommate. Nung umamin si best friend, unti-unti na silang nawalan ng communication. Ako naman, dahil roommate ko siya at sa atensyon na binibigay niya sa ‘kin, na-in love na rin ako. After a few months, nagseselos na ako sa mga nakikipagkaibigan sa kanya kaya naghanap din ako ng ibang mga kakausapin. Pero noong birthday niya, sinurprise ko siya at dahil sa laki ng naging gastos sa food, socks na lang ang nabigay kong gift. Merong isang girl na kinabog ang gift ko: may socks na, may planner pa! Tuwang-tuwa siyang ipinakita sa ‘kin ang mga ‘yun. I asked kung kanino galling at sabi niya, binili niya. Kaya na-hurt ako na nagsinungaling siya.

Eventually, hindi ko na rin natiis kaya inamin ko na sa kanya ang nararamdaman ko. Tinanggap niya at nag-iba na ang turing naming sa isa’t-isa. Naging awkward na lang noong nag-away kami about sa camera na hindi niya binalik. Ngayon, dahil sa isang project, close na ulit si best friend ko at ang roommate ko. Sobrang nagseselos ako kaya hindi ko na sila pinapansin pareho. Nalaman ko pa na sinabi ni roommate kay best friend na may nararamdaman ako sa kanya at nasaktan talaga ako kasi pinagkatiwalaan ko siya. Sabi naman ni best friend, okay lang daw sa kanya ‘yun. Ngayon, hindi ko na alam kung paanong gumalaw kapag kaharap sila. Ang gulo ng situation namin kaya advice po sana.                            Love,

Summer

Dear Summer,

Bakit hindi muna ninyo alamin kung sino talaga ang gusto ni roommate? Baka naman wala ni isa sa inyo, eh ‘di problem solved tayo. Magpakasaya kayo ni best friend and someday you’re going to look back at this moment and laugh. Or mandiri. Either way, masaya pa rin.

Kung naman si best friend ang gusto niya, malungkot man, lalayo ka talaga. Dahil kapag hindi, patatayuan kita ng monumento gamit ang mga luha mong gawa sa bato. Hindi mo kailangang magpakamartir; hindi mo na nga ikayayaman, hindi mo pa ikagaganda. You can still be a friend, but maybe not a best friend.

Kung namang ikaw ang gusto niya, malamang sinabi na niya sa ‘yo dati pa. Pasensiya at hindi ako makabusina dito sa dyaryo.

I think it’s time you looked for a new dorm. And a new camera, while you’re at it. Or a new crush, na marunong magsoli ng camera. At ‘yung mas natutuwa sa food kaysa sa socks. Pero ‘yung natutuwa rin sa planner, para bumili ka ng planner ko sa Pasko.

xoxo,Tita Witty

* * *

Send in your tatanga-tanga sa pag-ibig questions to deartitawitty@gmail.com.

vuukle comment
Philstar
x
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with