^

PSN Showbiz

Kris pinatitira ng movie produ niya sa probinsiya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Dun na magbi-birthday

Ang pelikula sa i­Flix ang uuna­hing gawin ni Kris Aquino. Sa February 24, ang first day ng shooting niya. Sa direction ni Adolf Alix, Jr., horror movie ang tema na kung hindi sa Batangas, ay sa Bulacan ang shooting. Nire-require sa kanya ng iFlix na para hindi masira ang continuity ng magiging character niya ay sa location siya mana­natili habang ginagawa ang pelikula.

Kaya from Feb. 24 hanggang March 25, nasa location siya at sa set na rin magbi-birthday. Ito ‘yung sinabi niyang magiging busy siya kaya in-advance na ang bonding sa mga anak na sina Josh at Bimby. Pero puwede naman yata siyang dalawin ng mga anak. But most of the time, kailangang nasa set siya.

Kuwento ni Kris, istrikto ang Singaporean producers ng movie at may dalawang in-assign sa script para ma-check kung okay na at walang magiging butas. Ni-require rin siyang pag-aralan ang punto ng lugar na pinanggalingan ng karakter niya.

Walang leading man si Kris sa pelikula na iikot sa ina at anak na babae.

Naka-line up din ang gagawin niyang movie nila ni Derek Ramsay. Co-producer siya at ng Quantum Films, sa script at direction ni Chris Martinez.

Acting ni Erich napuri ng kanyang ate

Tuluy-tuloy ang pasasalamat ni Erich Gonzales kay Kris Aquino sa sponsored block screening para sa pelikulang Siargao nina Erich, Jasmine Curtis Smith, at Jericho Rosales sa direction ni Paul Soriano. Lalo pang natuwa si Erich sa rating na five out of five na ibinigay ni Kris sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na lumakas sa box-office after manalo ng mara­ming awards.

Gustung-gusto rin ni Kris ang cinematography at ang feel ng movie as a whole. Nagpasalamat din si Erich na pati acting nila ay pinuri ni Kris. Hindi lang kinumpirma ni Erich ang tsikang number three na sila sa box-office ranking.

Alden magpapaligaya ng fans

This Saturday, sa Enchanted Kingdom gaganapin ang birthday celebration ni Alden Richards with his fans. Tinawag na One Fun Day ang event kung saan, whole day makakasama ni Alden ang kanyang supporters.

Sa gabi naman ay magpi-perform si Alden with his guests na sina Kristoffer Martin, Rodjun Cruz, T.O.P. at Bea Binene.

Kahapon, nag-renew ng recording contract si Alden sa GMA Records, kaya bukod sa bagong teleserye, may bagong album ding aabangan ang kanyang suppor­ters.

Ang dami pang magagandang mangyayari sa career ni Alden this year, kaya okey lang kahit tawagin siyang “uka” ng kanyang detractors dahil lang sa isang peklat sa kanyang kanang pisngi na nakuha sa bulutong.

Ervic nahahawa sa nuts and fruits diet nina Lovi, Max, at Rhian

Natawa kami sa kuwento ni Ervic Vijandre sa taping ng The One That Got Away, ‘pag nagtapos daw ang sexy rom-com series ng GMA 7, na pati silang male cast ay papayat at seseksi gaya nina Lovi Poe, Max Collins, at Rhian Ramos. Hindi raw kumakain ng full meal ang tatlo at pati sila ay nahihiya na ring kumain.

Nuts at fruits lang daw ang kinakain ng tatlo dahil kailangang ma-maintain ang kaseksihan nila.

“Lahat kami papayat at seseksi nito and it’s a good thing na rin dahil nire-request ako ng mga director na magpakita rin ng abs, maghubad minsan o kaya’y sando lang ang suot. Magpa-yummy daw ako at gawin natin,” sabi ni Ervic.

Si Ervic ay si Joni sa TOTGA, older brother ni Darcy (Max), na batugan, pasaway, jobless at may GF na may anak. Sa January 15, na ang pilot ng sexy rom-com na pang-alis daw ng stress ng viewers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with