^

PSN Showbiz

Cristine selosa, takot maagawan ng asawa!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Cristine selosa, takot maagawan ng asawa!

Cristine Reyes

Mukhang nabago ang pananaw sa buhay ni Cristine Reyes magmula nang siya’y magkaroon ng sariling pamilya – ang kanyang mister of more than one year na si Ali Khatibi at more than one-year-old daughter na si Amarah.

Bilang respeto sa kanyang mister at anak, ayaw nang magpa-sexy ni Cristine at choice niya ito at walang nagdidikta sa kanya.

Samantala, hindi ikinakaila ni Cristine na paminsan-minsan ay nagseselos umano siya sa kanyang mister na si Ali kapag ito’y nakikipag-usap sa ibang babae pero hindi selos na aabot sa kanilang pag-aaway.

Speaking of Cristine, pasok siya sa Top 4 grand finalist ng celebrity reality competition na I Can Do That along with Daniel Matsunaga, Wacky Kiray at Gab Valenciano.  Very strong ang laban ni Cristine na makuha ang grand prize.

Aga maraming pinaghihintay

Parang kailan lamang nang ikasal in May 28, 2001 sa Baguio City ang couple na sina Aga Muhlach at Charlene Gon­zales.  Months later ay isinilang naman ang kanilang kambal na anak na sina Andres at Atasha.

Kung gugustuhin ng twins, kayang-kaya nilang sundan ang yapak ng kanilang equally popular pa­rents pero mas gusto nila ang kanilang buhay nga­yon na wala sa harapan ng limelight.

Hanggang ngayon ay napaka-smooth pa rin ng pagsasama ng couple kasama ang kanilang teen-age twins.

Nang mapanood si Aga noong isang taon bilang isa sa mga hurado ng Pinoy Boyband Superstar, umasa ang kanyang mga tagahanga na tuluy-tuloy na ang pagbabalik-showbiz ng dating matinee idol.

Taong 2012 pa ang huling pelikulang ginawa ni Aga, ang Of All The Things na pinagtambalan nila ng misis na ngayon ni Ogie Alcasid na si Regine Velasquez na dinirek ni Joyce Bernal at joint production ng GMA Films at Viva Films.

May mga lumutang na balita na magkakaroon sila ng reunion movie project ni Lea Salonga ganun din ng dati niyang kasintahan at dating Miss Universe na Dayanara Torres. Pero ang mga ito ay parehong nakabitin pa rin hanggang ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with