^

PSN Showbiz

Ambisyong maging first transgender action star BB nagbantang patutumbahin si Robin! Rhian pinatawad na ang nangmanyak sa bar

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Ambisyong maging first transgender action star BB nagbantang patutumbahin si Robin! Rhian pinatawad na ang nangmanyak sa bar

BB Gandanghari

PIK: Halatang kabado pa rin si Lorna Tolentino nang tanggapin niya ang Best Supporting Actress award mula sa FAMAS na nasa 64 years nang namamahagi ng awards sa pelikula. Napanalunan ni Lorna ang naturang award sa pelikulang Crazy Beautiful You nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Hanggang ngayon pala ay na­ka­tago pa raw ang kauna-una­hang trophy na napanalunan niya bilang Best Child Actress. Maliit pa raw ang trophy nila noong araw pero mabigat na rin.

Pagkatapos niyang tanggapin ang Best Supporting Actress trophy sa FAMAS na ginanap sa Century Park Sheraton nung isang gabi, naalala raw niya ang na­mayapang mister na si Rudy Fernandez na tiyak matutuwa na hanggang ngayon ay nakaka­tanggap pa rin siya ng acting award.

PAK: Pinatawad na ni Rhian Ramos ang taong nambastos sa kanya na ipinost niya sa kanyang Instagram account. Ilang beses daw itong hu­mingi ng paumanhin, kaya kinalimutan na niya ito. Inilabas niya sa kanyang social media account ang pambabastos dahil ang dami raw mga kababaihang nababastos ng mga kalalakihan pero tumatahimik lamang.

“Ang dahilan naman kung bakit ko inilabas sa social media ko, hindi naman para pag-usapan ‘yung guy na ‘yun mismo kundi parang ang message ko kasi dun is lagi siyang nangyayari.

“Parang hindi kasi tamang paraan how to treat a girl. At saka ang daming nag-respond sa akin na ‘ah nangyari na rin ‘yan sa akin. So mas nakita ko tuloy kung gaano siya ka-common na ‘yun ‘yung pagtrato sa mga girls lalo na sa mga public transportation. Dun ako nalungkot na hindi na tayo mga caveman, year 2016 na. Alam na rin natin kung ano ang tamang paraan kung paano pagtrato sa kapwa tao,” pahayag ni Rhian tungkol sa isyu.

Samantala, puspusan na ngayon ang pag-promote ni Rhian ng pelikula niyang Saving Sally na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Binigyan pala ito ng PG-13 ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaya hindi pa rin pala ito pambata.

Tila wala ngang entry ang MMFF na General Patro­nage.

BOOM: Si Robin Padilla naman ay ginawaran ng FPJ Memorial Award at sa kanyang speech, ipinasa na niya ang pagpapatuloy sa paggawa ng action films. Mukhang magpapahinga muna siya sa paggawa ng pelikula para raw sa rebolusyong ipinaglalaban niya.

Tanggap ni Robin Padilla ang desisyon ng kapatid niyang si BB Gandanghari na gawing legal na ang kasarian niyang babae sa Amerika.           

Nagkausap daw sila at nirespeto niya ang pagpalit ng gender ng kanyang kapatid. Na-excite lang siya para kay BB dahil puspusan ang pag-aaral niya ngayon ng mga stunts dahil gusto nitong maging kauna-unahang transgender na action star.

Pahayag ng aktor, “Kaligayahan niya ‘yun eh. Hindi ko naman maibibigay sa kanya ang kaligayahan na ‘yun. Nahanap na niya ‘yun. Eh ‘di maligaya ako sa kanya bilang kapatid. Ang importante maligaya siya.

Dagdag niyang kuwento, “Busy siya ngayon eh. Nag-aaral. Tatalunin daw niya ako, siya raw ang magiging transgender na action star, eh ‘di sige.

“Ang laking hamon nun sa akin. Aminado naman ako na nu’ng huli naming mag-ensayo, mas magaling na siya talaga. Magaling na si BB dahil ensayado siya, nagdyi-gymnastics siya, kaya mas flexible na talaga siya kesa sa akin. Pero sa lakas ng loob… kapag nakapagpataob ka na ng kotse, at nakatalon ka na ng 150 feet, puwede mo na akong yabangan.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with