^

PSN Showbiz

Sharon gustong maging pusong bato!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Late si Sharon Cuneta sa patawag ng ABS-CBN para i-welcome siya bilang kapalit ni Sarah Ge­ronimo sa pagiging coach ng The Voice Kids na iiwan na nito para pagtuunan ng pansin sa na­pakarami niyang gawain bilang singer at makabalik sa eskuwelahan. Makakasama ni Sharon sa pagi­ging coach sina Lea Salonga at Bamboo.  

At kung sa The Voice Kids ay bitbit ng dalawa ang kanilang credentials para maging karapat-dapat na coach, may dala rin si Sharon, ang kanyang grand slam at box-office awards.

Sa pagiging judge ng TVK, ipinangako ni Sharon na iiwan na niya ang kanyang pusong mamon sa pagpili ng winner. “I should be treating my work like a contest at hindi ‘yung maaawa ako dahil sa mga malulungkot nilang istorya,” anang artista na puspusan ang pagpapayat sa kagustuhang makaarte muli.

Jennylyn nakipagsabayan kay Lloydie

Maganda ang pagkakagawa ni Cathy Garcia Molina ng Just The 3 Of Us. Medyo halata nga ang pagkakangarag ni Jennylyn Mercado pero kilig ang mga moment nila ni John Lloyd Cruz. Lovable rin ang support cast. Maikli, pero makabuluhan ang role ni Richard Yap, ang ganda ng confrontation scene nila ni Lloydie. 

Bentahe ng Kapuso actress ang kagalingan niyang makipagsabayan sa mga leading man niya. Alalay lang siya, pero nagagawa niyang makaagaw ng pansin sa kanila. Walang effort na maging mas magaling na artista sa kanila, pero magagawang makapagtawid ng eksena nang walang kahirap-hirap, pero epektibo.  

Sana lang, mas kininis pa ang ending.

Sharon at Nora parehong emosyal sa binalikang bahay

Dalawa at malalaking pa-presscon ang na­itawid ng ABS-CBN sa linggong ito. Ang isa ay nag-aanunsyo sa gagawing paggi-guest ni Nora Aunor ma­ma­ya sa Maalaala Mo Kaya. Ang ikalawa ay ang pagka­kadagdag ni Sharon Cuneta sa The Voice Kids.

Malalaking artista ang involved, pero pinagtatakhan ang kasimplehan ng mga ginanap na pag-wel­come. Walang magarbong kainan at pili ang mga inim­bitang media. Hindi bale si Mega at hindi miminsan lamang mapapanood, pero si Nora ay one shot deal lamang. 

Emotional ang kaganapan sa dalawang presscon. Si Nora ay maluha-luhang humiling sa mga anak niya na kung maari ay dalawin ang kapatid niyang naka-confine sa ospital. Si Sharon naman ay nag­­tataka kung bakit may mga gustong manakit ng dam­damin niya at maski sa social media ay sinasak­tan siya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with