^

PSN Showbiz

Pati tatay ng ‘gf’ kinausap na, Enrique nagpapaalam na kay Liza kapag gumigimik

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Napabalitang naiilang na diumano ang ama ni Liza Soberano sa pagiging malapit ni Enrique Gil sa aktres. Sobrang close na raw kasi ng dalawa sa harap at sa likod ng kamera. “Hindi naman. Tuwing magkasama kami, okay naman siya. Siyempre tatay pa rin ‘yun at kahit anong mangyari anak pa rin niya ang babae. So kahit paano may sinasabi,” paglilinaw ni Enrique.

Aminado naman ang aktor na noong una ay talagang naiilang ang ama ni Liza sa pagiging close nila. “Pero ngayon okay na,” giit ni Enrique.

“Siyempre hindi siya sanay na tumatanda na ‘yung anak niya, nabibigla. Pero ngayon nag-usap kami ni Liza parang ‘Oo nga, sige,’” dagdag pa ng aktor.

Kinausap na rin daw ng ama ni Liza si Enrique upang malaman ang tunay na hangarin ng aktor sa dalaga. “’Walang kalokohan?’ sabi niya, sabi ko, ‘Yes Tito,’” nakangiting pahayag ni Enrique.

Hindi raw masyadong nakalalabas ang binata ngayon at kung sakali man ay ipinagpapaalam pa niya ito kay Liza. “Gumimik ako pero isang beses lang actually. Sa Pool Club, first time kong pumunta with friends. ‘Yun mabilis lang tapos umuwi na. Saka kasama ko ang kapatid ko saka it’s about trust,” paliwanag ng aktor.

Carmina hindi sure kung kayang makipaglaplapan sa iba

Sa isang linggo ay magtatapos na ang teleseryeng Bridges of Love. Napansin ang pagiging magaling na kontrabida ni Carmina Villarroel dahil sa nasabing soap opera.

Masaya ang aktres na hinangaan siya ng mga manonood dahil sa kanyang makatotohanang pagganap dito. “Ang lagi kong nare-receive na mga tweets laging sinasabi na very effective. Kasi nga siguro sarcastic ako eh, oh ‘yung itsura ko, I don’t know siguro maybe sa bangs,” nakangiting pahayag ni Carmina.

Posibleng tumanggap muli ng kontrabida role ang aktres sa susunod na proyekto kung talagang maganda ang istorya nito. “Puwede naman pero depende kasi ‘yung pagiging kontrabida rito sa Bridges of Love meron namang pinanggagalingan eh. Hindi naman basta na lang ako na masamang tao dahil wala naman talagang nagiging masama na kaagad. May pinanggagalingan kung bakit eh,” paliwanag niya.

“Kung ‘yung next na io-offer nila ay medyo slight gano’n pa rin ay we’ll see. It really depends on the story and on the background of the story. So kung naiiba at naiintindihan ko at nagra-grasp ko siya fully, why not?” dagdag ni Carmina.

Matatandaang nagkaroon ng mga maiinit na eksena ang aktres at si Paulo sa serye pero sa susunod na proyekto ay hindi pa raw sumasagi sa isip ni Carmina kung muli niyang magagawa ang tulad nito. “Sa edad kong ito hindi ko na iniisip ‘yon. Hindi ko na iniisip, hindi ko siya pinaplano at wala naman sa kondisyon ko na sana sa next show ko si chuva ang ka-kiss ko. Nagkataon lang na because sa story kinailangan lang talaga, hindi pinilit,” pagtatapos ng aktres.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRIDGES OF LOVE

CARMINA

CARMINA VILLARROEL

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

HINDI

KUNG

LIZA SOBERANO

NAMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with