^

PSN Showbiz

Oops! She did it again, aktres may panibagong gimik sa BF

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Break na naman ang showbiz couple na on and off ang relationship mula nang maging sila.  Bigla na lang natigil ang pagpo-post nila ng kanilang pictures sa kani-kanyang Instagram (IG) at wala na ring messages sa bawat isa.

Sa isa sa mga latest post ng aktres, ang ginamit nitong hashtag ay “#stronger #fighter #noregrets #peopledontchangeforlove.” Pero si aktor, deadma at ang pino-post na pictures ay masaya at laging nakangiti kasama ang mga kaibigan.

Naalala namin ang tsika ng kaibigan ng aktor noong may problema pa lang sila ng aktres. Na­kiusap na ‘wag nang pag-usapan ang aktres at nag-swear na hindi na siya makikipagbalikan dito. Pero nang aksidenteng magkasalubong sa isang mall at binati siya ng aktres at manghingi ng kiss, agad lumapit ang aktor at ni-lips to lips ang aktres at bigla silang nagkabati.

Kilala ng press ang aktres na ‘pag may bagong show at bagong kapareha ay nakikipag-break sa boyfriend. Nangyari na naman, kaya lang napaaga yata dahil matagal pang umere ang soap ng aktres, break na sila ng BF.

Nagkataon lang ba ito o sinadya? Hintayin natin ang mga susunod pang mangyayari sa love life ng aktres.

Dennis busy sa pagiging sundalo

Kakuwentuhan namin si Popoy Caritativo, ma­nager ni Dennis Trillo sa presscon ng Yes! 100 Most Beautiful Stars at nabanggit na kaya wala ang aktor sa presscon dahil late na na-pack-up ang taping nito ng Hiram Na Alaala. Masaya pa naman daw ang aktor na muling mapasama sa 2014 Most Beautiful List sa Primetime Big Hitters.

Busy si Dennis sa taping ng bagong teleserye, kung saan sundalo ang kanyang role, pero hindi siya ang sundalong PMAyer, kaya hindi siya magti-taping sa Baguio. Si Rocco Nacino ang PMAyer sa kanilang dalawa.

Tinapos muna nito ang taping ng medical drama series na Sa Puso ni Doc na may September airing sa GMA 7.

Dalawang pelikula ang nakatakda nitong gawin sa Regal Entertainment, habang hindi pa nagagawa ang Ulam episode nila ni Carla Abellana sa Shake, Rattle, & Roll XV  at Maybe This Time nila nina Maja Salvador at Ellen Adarna, panoorin muna siya sa 2014 Cinemalaya niyang The Janitor.

vuukle comment

AKTRES

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

ELLEN ADARNA

HIRAM NA ALAALA

MAJA SALVADOR

MAYBE THIS TIME

MOST BEAUTIFUL LIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with