^

PSN Showbiz

Da Possessed palong-palo sa takilya

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumita nga ng P40M sa takilya ang Da Possessed ni Vhong Navarro sa tatlong araw lamang matapos ang mainstream theatrical release nito na naganap noong Abril 19.

 Grand comeback vehicle ni Vhong ang Da Possessed sa pelikula at kung i-babase sa tagumpay nito sa takilya nung opening day nito, nalagpasan ng pelikula ang opening day box-office returns ng kanyang mga naunang pelikula na dinirehe rin ng direktor na si Bb. Joyce Bernal gaya ng Mr. Suave (2003), D’ Anothers (2005), and Agent X44 (2007). 

 â€œPagkatapos ng pinagdaanan ko at pinagdadaanan ko pa…’yung suporta ng mga tao sa Da Possessed ang isa sa pinakamagandang nangyari sa akin,” ayon kay Vhong. “Grabe and laki at sarap ng pagmamahal ng mga tao. Kulang ang thank you pero…thank you! Hehehe! Maraming maraming salamat sa lahat ng nanood at sa mga hindi pa, alam ko namang pinaplano na nila yun. Aaayyyyiiiieeeee!”

Isang perfect date movie din ang Da Possessed ngayong summer dahil featured dito sina Vhong at Solenn Heussaff bilang pinakabago at pinakamaiinit na love team sa bansa ngayon. Vholenn tandem na ang tawag kina Vhong at Solenn ng fans.

Kaabang-abang ang mga kilig moments ng dalawa sa pelikula at siyempre pa ang kanilang mga nakakatawang mga eksena.

Inamin naman ni Solenn na may crush siya kay Vhong sa tunay na buhay dahil sobra siyang attracted sa mga funny guys. “Nakapag-bonding kami nang todo habang nag-shooting kami ng pelikula,” sabi ni Solenn.

vuukle comment

AAAYYYYIIIIEEEEE

DA POSSESSED

JOYCE BERNAL

MR. SUAVE

SOLENN

SOLENN HEUSSAFF

VHONG

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with