PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sid excited nang maging ama

Babae ang sanggol na ipinagbubuntis ng girlfriend ni Sid Lucero na member ng General Luna band.
Excited si Sid sa nalalapit na pagiging ama niya. Matagal na nawala sa sirkulasyon si Sid at ito mismo ang nagsabi na siya ang may problema. Nawalan kasi siya ng respeto sa kanyang trabaho.
Na-appreciate ng fans ni Sid ang katapatan niya. Hindi siya nagpanggap o nagmalinis. Tinanggap niya na siya ang may problema kaya apat na buwan na nagpahinga ang kanyang acting career. Nagpapasa­lamat si Sid sa GMA 7 dahil sa kabila ng mga nangyari, isinama siya sa cast ng Love and Lies, ang primetime show na pagbibidahan ni Richard Gutierrez. Notorious ang old working title ng Love and Lies.

Paolo nagda-drama lang nang magalit

Kasama sa cast ng Love and Lies si Paolo Contis na nag-dialogue na hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang Startalk reporter na tanu­ngin siya tungkol sa kanyang personal na buhay.
Seryoso ang mukha ni Paolo habang nagsasalita kaya may mga nag-akala na nagagalit siya. Hindi galit si Paolo ’no?! Drama lang niya ‘yon para hindi na siya kulitin ng mga reporter tungkol sa relasyon nila ng kanyang estranged wife na si Lian Paz.
Magkakasama sina Richard, Paolo, at Sid sa tactical defense training sa isang kampo sa Laguna dahil kailangan ‘yon sa mga eksena nila sa Love and Lies

Jay-R nginitian langang bintang na pananakit ni Krista

Nakangiti si Jay-R nang sagutin nito ang isyu na sinasaktan niya ang ex-girlfriend na si Krista Kleiner at ang pananakit ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Nahirapan tuloy ang mga intrigera na basahin ang tunay na nararamdaman ni Jay-R para kay Krista na hindi na masyadong visible sa showbiz mula nang i-relinquish niya ang kanyang 2010 Bb. Pilipinas-International crown.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pangit kasi ang isyu. Mabigat ang bintang kay Jay-R na sinaktan niya ang dating girlfriend. Lumabas na parang napaka-ungentleman niya at ayaw na ayaw ito ng mga kababaihan.

Sa tono ng pananalita ni Jay-R, wala na siyang balak na makipagbalikan kay Krista. May communication sila pero hindi nagkikita.

Parang kailan lang, in love na in love ang dalawa sa isa’t isa. Halos hindi sila mapaghiwalay at tala­gang sinuportahan pa ni Jay-R ang pagsali ni Krista sa Bb. Pilipinas noong 2010.

Temptation… four weeks na lang

Apat na linggo pa ang itatagal sa telebisyon ng Temptation of  Wife. Tama ang sinabi ni Marian Rivera sa shooting ng My Lady Boss na hanggang April pa sa ere ang top-rating drama series niya sa GMA 7.
Mga bisita namin kahapon sa Startalk sina Dennis Trillo at Rafael Rosell, ang leading men ni Ma­rian sa Temptation of Wife. Ikinuwento ni Rafael na gulat na gulat siya nang mag-guest sila ni Dennis kahapon sa Eat Bulaga dahil alam na alam ng mga tao ang name ng kanyang karakter sa Temptation of Wife. Bakit naman hindi eh marami na ang sumusubaybay sa kanilang show?

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: