^

PSN Palaro

PSL Beach Volley: Tiwala sa isa’t isa susi nina Brillo at Gutierrez sa playoff

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malaki ang paniniwala nina Jusabelle Brillo at Jem Gutierrez ng Meralco na malayo pa ang kanilang mararating kung ang pagsali sa PLDT Home Ultera-Philippine SuperLiga (PSL) Beach Volleyball 2015 na handog ng Smart Live More ang pag-uusapan.

Sina Brillo at Gutierrez ay umabante sa knockout quarterfinals ngayong Sabado sa Sands By The Bay sa Mall of Asia sa Pasay City matapos puma­ngalawa sa Pool C sa 1-1 karta.

Nanalo sina  Brillo at Gutierrez kina Cindy Be­nitez at Florence May Ma­dulid ng Benguet Electric Cooperative (Beneco) bago natalo kina Fiola Ceballos at Patty Orendain ng Foton Tornadoes sa maulang labanan upang manguna ang Foton sa 2-0 karta.

Hindi naman inakala na aabot ang dalawa sa playoffs dahil hindi sila ang orihinal na magka-partner.

“Hindi tulad ng ibang teams na matagal nang magkasama sa laro, kami ay baguhan sa isa’t-isa,” wika ni Gutierrez.

Pero naisantabi ang ka­walan ng karanasan at height ng dalawa dahil sa pagtitiwala sa isa’t isa.

“Hindi naman puro height, experience at skills ang beach volleyball.

Ang mahalaga rito ay may tiwala kayo sa isa’t-isa para gumanda ang tambalan n’yo sa court,” pahayag pa ni  Brillo na  beterana ng Asian Beach Games sa Bali, Indonesia at Phuket, Thailand.

Sunod nilang kakaharapin ay ang mabigat na Cignal HD Spikers B na binubuo nina Wensh Tiu at April Rose Hingpit.

Nakita ang bangis ng dalawang ito nang walisin ang dalawang laro sa Pool B upang ipalagay na palaban sa titulo sa ligang inorganisa ng SportsCore at may ayuda ng Accel, Maynilad at Sands By The Bay.

Pero hindi matitinag ang dibdib nina Brillo at Gu­tierrez at sasandal sa ipinagmamalaking pagtitiwala para umabante sa semifinals na paglalabanan sa Sabado ng gabi.

vuukle comment

ACIRC

ANG

APRIL ROSE HINGPIT

ASIAN BEACH GAMES

BEACH VOLLEYBALL

BENGUET ELECTRIC COOPERATIVE

BRILLO

CINDY BE

FIOLA CEBALLOS

FLORENCE MAY MA

SANDS BY THE BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
14 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with