Ituloy ang protesta
NAGPAKITANG-PUWERSA ang mga “boss†ni President Aquino noong Lunes sa Luneta. Ipinakita ang kanilang pagkadismaya sa pumutok na “pork barrel scamâ€, kung saan bilyong piso ng Priority Development Assistance Fund(PDAF) ang napunta sa mga bulsa ng ilang tao, at hindi sa mga proyekto at sektor kung saan kinakailangan nang husto.
Pagnanakaw, panloloko ang ginawa ng mga umano’y nasa likod ng nasabing scam, ayon sa pagsisiwalat ng whistleblowers kaugnay sa nasabing panloloko. Maaa-ring hindi umabot sa inaasam na bilang ng tao ang “Million People March†sa Luneta, pero malinaw na marami ang dumalo, mula sa lahat ng panig at antas ng lipunan.
Pati sa mga ibang lalawigan at ibang bansa ay nagparamdam ang mga Pilipino ng kanilang pagkadismaya at poot. Ang sigaw, ibasura na ang pork barrel na malinaw na sanhi ng lahat ng masama sa sistema ng pulitika sa Pilipinas, at parusahan ang mga nasa likod ng pambababoy sa bansa!
Pati si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ay dumalo sa kilos-protesta upang ipakita ang kanyang pakikiisa sa tinig ng taumbayan, na hindi na puwede ang kasalukuyang sistema ng PDAF. Nasaan nga naman ang hustisya kung saan ang pera ng mga mamamayan na sumusunod sa batas at nagbabayad ng mga kaukulang buwis ay nananakaw lamang at halos walang napupunta sa pinaka mahirap ng bansa?
Kung bakit nagtagal ng higit isang dekada bago nasiwalat ang krimen ay hindi talaga maintindihan ng marami, patunay lamang na maraming mga makapangyarihang karakter ang nagbigay ng kanilang basbas para magawa lahat ito nang hindi napapansin at nahuhuli.
Noong pinatay si Ninoy Aquino, hindi tumigil ang mga kilos-protesta hanggang sa napatalsik ang isa sa pinakamakapangyarihang tao sa Timog-Silangang Asya. Dapat ganito rin ang gawin laban sa pork barrel scam.
Hindi dapat tumigil ang galit sa “Million People Marchâ€. Hindi dapat mawala ang init ng damdamin, ang poot sa naganap na pambababoy ng pera ng bayan. Kailangan tuloy-tuloy, hanggang sa mahuli at makulong ang lahat ng kawatan. Walang dahilan para hindi mangyari ito. Maliban na lang kung may mga humarang ng hustisya.
- Latest
















