^

Metro

Fil-Am drug lord, 7 pa huli sa PDEA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ecstasy lab sa Mandaluyong ni-raid

MANILA, Philippines — Arestado ang isang Fili­pino-American na sinasabing drug lord, na itinuturing na high value target, at pitong iba pa, sa isinagawang ope­ras­yon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa kanyang tahanan sa Mandaluyong City na nagsisilbing drug den at ecstasy laboratory, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang naarestong suspek na si Dennis Ray Thieke, 37, isang Filipino-American, at residente ng Unit 2104, 21st  Floor, Eugenia Tower, Tivoli Garden Residences, Coronado Street, Barangay Hulo, Mandaluyong City.

Bukod kay Thieke, na-da­kip din ang limang iba pang suspek na nakilalang sina Dianh Carlo Malayo, 25; Belinda Morrison, 25; Ian Mitchelle Custodio, 31, project manager; Ymmanuel Parada, 26, tattoo artist; Pancrasio Parada, 53, karpintero, matapos na matiyempuhan rin sa unit ni Thieke nang isagawa ang operasyon.

Batay sa ulat ng PDEA-Special Enforcement Service (SES),  si Thieke ay naaresto ng mga awtoridad dakong alas-7:00 ng gabi sa kanyang tahanan sa bisa ng search warrant na inisyu ni Presiding Judge Rosana Feromero Maglaya ng National Capital Judicial Region Branch 88, ng Quezon City.

Ayon kay PDEA-SES chief, Director Levi Ortiz, ang condominium ng suspek ay ginagamit nitong drug den at nagsisilbi ring clandestine laboratory na ginagamit niya sa paggawa ng capsulized ecstasy na isang party drug.

Nasamsam mula sa condo unit ng suspek ang iba’t ibang uri ng droga, na kinabibilangan ng dalawang self-sealing sachet ng shabu na nasa 12 gramo ang timbang at nagkakahalaga ng P60,000; 36 tableta at siyam na kapsula ng ecs­tasy na may street value na P112,500; 13 botelya ng suspected liquid ecstasy, na nasa 660 ml at nagkakahalaga ng P132,000; limang sachet ng hinihinalang cocaine, na may timbang na 10 gramo, at nagkakahalaga ng P30,000; isang plastic at maliit na jar ng pinatuyong marijuana leaves na may 50 gramo at nasa P3,000 halaga; isang bote ng white powdery substance ng suspected dangerous drugs; isang Booster M4 na may apat na live ammunition at assorted drug paraphernalia.

Narekober din ng mga pulis mula sa lugar ang mga laboratory apparatus, mga kemikal at ilang kapsula sa paggawa ng capsulized ecs­tasy.

Kaugnay nito, inaresto na rin ng PDEA ang tiyuhin ng suspek na si Engineer Felicismo Aguilar Jr., 54, at kasama nitong nagpakila­lang barangay kagawad na si Daniel Cajape, ng Di­nalu­pihan, Bataan, matapos umanong magtungo sa kanilang tanggapan at tangkain silang suhulan ng P1 milyon kapalit nang paglaya ni Thieke.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with