^

Metro

Kawani ng car company dedo sa pulis

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang 29-anyos na kawani ng isang car company  makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya na sumita sa pa­giging reckless driver nito kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Kinilala ang biktima na si Timothy James Alon ng M. Panlilio St., BF Resort Village, Las Piñas City, at kawani ng Mitsubishi Motors­.

Sa inisyal na ulat na natanggap ni P/Senior Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City PNP,  naganap ang insidente bandang alas-8 ng gabi sa panulukan ng Aguirre Avenue at El Grande Avenue, Parañaque City hanggang sa umabot sa Tropical Avenue sa Las Piñas City.

Nabatid na  minamaneho ni Alon ang itim na Mitsubishi Montero Sport (UZI-388) na sinasabing pagewang-gewang ang pagmamaneho kaya sinita ni PO1 Khevin-Klein Bueno ng Muntinlupa City PNP. 

Gayon pa man, sa halip na tumigil ang biktima ay pinaharurot ang sasakyan kaya hinabol ito ni P01 Bueno kung saan humingi ng assistance sa Parañaque City PNP.

Rumesponde naman ang mga tauhan SWAT ng Paranaque City  PNP upang arestuhin si Alon subalit pinutukan ang pangkat ng PNP na nauwi sa shootout.

Narekober sa sasakyan ni Alon ang apat plastic sachet na shabu at cal. .45 pistol na ginamit nito sa pakikipagbarilan sa mga pulis habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

AGUIRRE AVENUE

ALON

ARIEL ANDRADE

CITY

EL GRANDE AVENUE

KHEVIN-KLEIN BUENO

LAS PI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with