^

Police Metro

Unli term sa mga solon

Gemma Garcia - Pang-masa

Duterte pwede muling tumakbo...

MANILA, Philippines — Gawing unli o unli­mited ang termino ng mga mambabatas na bubuo ng Kongreso sa ilalim ng Federal government na tatawagin namang Federal assembly.

Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Constitutional Amendments ay isinulong ni Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe na ga­wing limang taon ang panunungkulan ng mga mi­yembro ng Federal assembly nang walang limit na re-eleksyon.

Ayon pa kay Batocabe, mawawala na sa ilalim ng Federal assembly ang mga kinatatakutan sa ilalim ng kasalukuyang sistema tulad ng pagkontrol sa lupon ng mga dinastiya.

Bukod dito wala na rin umanong pag-uusapang parochial kundi nakatutok na lamang sa mga usapin at panukalang may national significance.

Magiging malabnaw na rin umano ang poder ng mga nasa Federal assembly dahil ang kapangyarihan ng mga malalaking kagawaran na karaniwang iniimpluwensiyahan ay made-devolve na sa federal states.

Sa ilalim din ng panukala ay isinusulong para sa Charter Change o Chacha na magkakaroon ng limang rehiyon ang bansa, ito ay ang Luzon,Visayas, Mindanao, ARMM at Metro Manila.

Kaya ang federal assembly ay magiging bicameral pa rin hati ng Senado na magiging 39 miyembro at Kamara ay bubuuin ng 300 miyembro.

Balak din naman gawin limang taon ang termino ng presidente na may isang re-election kaya puwedeng tumakbo uli si Pangulong Duterte, habang ang prime minister ay ihahalal ng mga miyembro ng federal assembly.

Sakaling maaprubahan ang bagong federal constitution ay maidaraos ang unang halalan sa ilalim nito sa ikalawang Lunes ng buwan ng Mayo 2022.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with