Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

10 kalsada sa MM isinara

MANILA, Philippines - Sampung mga kalsada sa Metro Manila ang pansamantalang isinara ng Metro Manila Development Authority (MMDA) upang bigyang daan ang pagkukumpuning ginagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa ipinalabas na abiso ng MMDA, sinasabing nagsagawa sila ng road re-blocking simula alas-11 ng gabi ng Biyernes na magtatagal hanggang Lunes, Agosto 14, dakong alas-5 ng umaga. Tinukoy ng MMDA, ang mga lugar na apektado ng road re-bloc­king na kinabibilangan ng Southbound sa  kahabaan Bonifacio Avenue pagitan ng Del Monte St. pagkatapos ng Binhagan St., Quezon City (2nd lane); EDSA malapit sa Trinoma, Quezon City (2nd lane) at C-5 Road  malapit sa  Julia Vargas, Pasig City.

Sa Northbound ay ang Mac Arthur Highway malapit sa Monumento Circle, Caloocan City; Mindanao Avenue malapit sa Road 20, Quezon City (2nd lane), Manila East Road harapan SM East Ortigas, Pasig City. Isasara rin ang Congressional Ave­nue Extension sa pagitan ng Visayas Avenue hanggang Tandang Sora Avenue, Quezon City (3rd lane), Quirino Highway pagitan ng Regalado Ave­nue North hanggang La Mesa Dam, Quezon City (2nd lane) at maging ang Westbound ng  Luzon Ave­nue  pagitan ng Commonwealth Ave­nue hanggang Congressional Avenue  Extension, Quezon City (1st lane).

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: