^

PM Sports

Quezon City Capitals sumosyo sa unahan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinataob ng Quezon City Capitals ang Imus Bandera, 84-75 upang makisosyo sa liderato sa pagpapatuloy ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Anta Rajah Cup noong Martes ng gabi sa JCSGO gym sa Cubao, Quezon City.

Umiskor si Joy Collado ng 17 puntos na may kasamang walong rebounds upang iangat ang Capitals sa three-way tie sa top spot kasama ang Navotas Clutch at Batangas Tanduay Athletics sa parehong 2-0 win-loss kartada.

Bukod kay Collado, umani rin si Peejay Baraua ng 15 puntos at tig-sampu naman sina Jomar Santos at Joco Tayongtong sa ratsada ng Capitals na nagparamdam sa seryosong asam sa korona sa inaugural staging ng home and away league.

Sa iba pang laro, nasungkit din ng Muntinlupa Cagers ang ikalawang panalo sa tatlong laro matapos magwagi sa Caloocan Supremos, 89-76.

Ang kaisa-isang talo pa lamang ng Supremos ay sa Parañaque Patriots, 60-70 noong Enero 25.

Humataw sina Moralde at Jaime ng tig-23 puntos para sa Cagers habang si Felix Apreku ay umani rin ng double-double performance sa kanyang 11 puntos at 10 rebounds at 10 puntos.

Si Allan Mangahas ay tumipa rin ng double-double sa kanyang 10 puntos at 12 assists upang iangat ang Muntinlupa sa solo fourth spot. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with