^

PM Sports

Isa na lang sa Thunder

Pang-masa

DALLAS - Naging maaksyon ang pang-apat na bakbakan ng Oklahoma City Thunder at ng Dallas Mavericks.

Nasibak sa laro si Kevin Durant, naging bahagi ng sigawan si Russell Westbrook sa harap ng kanilang bench at natawagan si Serge Ibaka ng technical dahil sa paniniko sa huling mga segundo ng laro.

Sa kabila ng mga ito ay kinuha ng Thunder ang kontrol sa kanilang first-round series ng Mavericks.

Nagpasabog si Westbrook ng 25 points at 15 assists at nagtala si Durant ng 19 points bago napatalsik sa laro bunga ng isang flagrant foul sa huling minuto para pangunahan ang 119-108 pagsagasa ng Thunder.

Ang panalo ang nagbigay sa Oklahoma City ng 3-1 bentahe sa kanilang serye ng Dallas.

“I don’t believe they’re trying to hurt us, and we’re not trying to hurt them,” sabi ni Durant na idinagdag na wala siyang intensyong saktan si  Dallas’ guard Justin Anderson nang ipagpag niya ang kanyang siko. “We’re going to do some talking. We’re going to do some shoving here and there because that’s how competitive both teams are.”

Nagtala si Enes Kanter ng kanyang ikalawang sunod na playoff career high sa kanyang 28 points mula sa 12-of-13 fieldgoal shooting para sa Thunder.

Sa Portland, tumapos si Damian Lillard na may 32 points para igiya ang Trail Blazers sa 96-88 panalo laban sa Los Angeles Clippers at kunin ang 2-1 abante sa kanilang first-round series sa West.

Sa Charlotte, tumipa si Jeremy Lin ng 18 points, habang humugot si seven-foot center Frank Kaminsky ng siyam sa kanyang 15 points sa inihulog na 18-0 atake sa third quarter  para ihatid ang Hornets sa 96-80 panalo sa Miami.

Sa Indianapolis, nagposte sina George Hill at Ian Mahinmi ng tig-22 points, habang may 19 si Paul George para sa 100-83 paggupo ng Pacers sa Toronto Raptors at itabla sa 2-2 ang kanilang serye.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with