^

Pang Movies

Fans nina Dingdong at Marian, kating-kati nang makita si Baby Z

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Excited na yata ang lahat sa pagsisilang ni Marian Rivera ng first child nila ni Dingdong Dantes, si Baby Letizia Gracia Dantes.

Expected date ni Marian ay November 16, 17 or 18.

Kaya siguro last Monday, November 16, bago nag-midnight, kumalat ang balita sa social media na nagli-labor na raw si Marian.

Nanggaling daw ito sa isang grupo ng fans nina Dingdong at Marian.

Sa amin, ang unang text na natanggap namin na nagtatanong kung totoong nagli-labor na si Marian ay mula sa fan sa Dubai, sa Hong Kong at sa USA.

Umamin naman ang mga DYs na may nagbalita rin sa kanila kaya sila nag-post sa social media accounts nila.

Kaya ang tinawagan namin to confirm ang balita, ay ang manager ni Marian, si Rams David.

Sumagot naman siya agad na “hehehe, nasa house tulog.”

Nag-promise din si Ateng Rams na tatawagan niya kami if totoo nang magsisilang na si Marian.

Malay natin, baka paglabas nitong column natin, nakapagsilang na nga si Mrs. Marian Gracia Dantes ng baby girl nila ni Dingdong.

Sapatos na isinuot ng AlDub, sold-out agad

Madalas magkamukha ng isinusuot na accessories and shoes ng magka-love team na Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub).

Pero napansin talaga ang couple shoes na suot nila last Saturday, sa special birthday celebration ni Lola Nidora (Wally Bayola) na ginanap sa Valencia Events Place ni Mother Lily Monteverde.

Pansin na pansin ito nang mag-newspaper dance sila, ang white Converse Jack Purcell (na may nag-post sa Twitter na almost 5k ang price nito).

Ang kuwento, na-out-of-stock daw ito sa isang shoe store in Makati to think na hindi naman endorser ang magka-love team ng naturang brand of rubber shoes.  Ang lakas daw maka-influence ng mga fans nila sina Alden at Maine.

Alonzo parang matanda na kung magsalita

Nagkatawanan na lamang ang entertainment press sa presscon ng Wang Fam nang magalit ang child actor na si Alonzo Muhlach sa isang reporter na nagtanong sa kanya at hindi sila magkaintindihang dalawa.

Eh, kinulit-kulit pa ng reporter si Alonzo kaya lalo itong nag-tantrum.

In fairness kay Alonzo, kaaliw siya kapag may itinanong sa kanya ay mabilis niyang nasasagot ito, lalo pa at magaling na siyang mag-Tagalog ngayon, ‘di tulad noong bagong pasok siya sa showbiz na English speaking siya at hindi sila magka­intindihan kapag tinatanong siya.

Kuwento nga ni Direk Wenn Deramas, wala siyang kahirap-hirap kay Alonzo sa shooting nila ng horror-comedy movie na showing na starting today in theaters nationwide.

Parang matanda na raw kasi kung magsalita si Alonzo, sabi naman nina Pokwang at Benjie Pa­ras.  Kalaro naman siya nina Andre Paras at Yassi Pressman sa shooting nila.

A student of La Salle Greenhills, sa kabila ng pagiging endorser ng Frabel hotdogs at pagsu-shooting ng movie at TV commercials si Alonzo, hindi naapektuhan ang studies niya at first honor pa siya sa klase niya.

Ayon sa amang si Niño Muhlach, sinabi niya kay Alonzo na papayagan lamang niyang mag-artista ang anak basta hindi pababayaan nito ang studies niya.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALONZO

ALONZO MUHLACH

ANDRE PARAS

ANG

ATENG RAMS

BABY LETIZIA GRACIA DANTES

BENJIE PA

CONVERSE JACK PURCELL

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with