^

Pang Movies

Anne, may paandar sa ginagawang pelikula

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Anne, may paandar sa ginagawang pelikula
Anne Curtis

Ang post ni Anne Curtis na “Day 10 *#% of piecing together fights. Definitely not easy but it’s so worth it.” May sagot si Director Erik Matti na “And it’s gonna be quite a surprise for everyone when they see it.”

Ang tinukoy ni Anne na worth it at ang comment ni Direk Erik na masosorpresa ang makakapanood ay ang ginagawang action movie nila na sequel o part 2 ng Buy Bust. Siya ang lead actress sa direction si Erik at isa ‘yun sa magandang local film na napanood namin at para sa iba pang nakapanood ng movie.

Siguradong lumakas ang loob niya sa mga comment na naniniwalang kayang-kaya niya kahit ang mahihirap na action scenes.

Sabi ni Jasmine Curtis Smith, “GO SESTRA” na sinundan ni Angelica Panganiban ng “Kayang kaya kambal.” Marami rin ang nagpahayag ng excitement sa nasabing pelikula.

KimPau, nag-‘sipsipan’

Panira ang comment ng isang netizen sa kissing scene nina Paulo Avelino at Kim Chiu sa What’s Wrong with Secretary Kim? na “No kilig trying hard.” Mag-isa lang siyang nag-comment na hindi siya kinilig, eh ‘yung iba, halos himatayin na raw sila sa sobrang kilig sa kissing scene na tinawag na “Mukbangan” dahil nga intense at comment pa ng iba, laplapan na.

Inaway ng mga kinilig ang hindi kinilig, tinawag siyang fan ni Xian Lim at ang payo sa kanya, umiyak na lang. Wala raw siyang magagawa dahil tapos at naipalabas na ang eksena.

May mga tumili sa sobrang kilig at may naniniwalang tinotoo nina Paulo at Kim ang kissing scene, at mala-vacuum daw ang labi ni Paulo dahil grabe kung sipsipin ang lips ni Kim.

May nagtanong naman kung pumayag kaya si Kim sa kissing scene nila kung sila pa ni Xian? Kasunod nito ang pasasalamat ng KimPau fans na break na sila dahil kung may relasyon pa ang dalawa, baka hindi napapayag si Kim sa eksena.

Samantala, may gagawing pelikula si Kim sa Star Cinema at ang request ng fans, sana si Paulo ang ipareha sa kanya.

Si Kim pa lang ang naka-casting sa wala pang title na movie, malay natin at si Paulo nga ang ipareha sa kanya.

Vin at Sophie, napagkamalang may problema!

Para namang walang problema sina Sophie Albert at Vin Abrenica dahil ang sweet ng Mother’s Day greetings ni Vin kay Sophie na “Sa aking minamahal na asawa, ikaw talaga ang ilaw ng ating tahanan. Happy Mother’s Day! Mahal na mahal ka namin.” Sumagot pa nga si Sophie ng “I love you both so much.”

May lumabas kasing isyu na ni-repost ni Sophie ang blind item ng isang showbiz couple na mag-a-undergo raw ng annulment. Sila agad ang naisip ng netizens na may mga kumontra. Ang nakalagay na clue ay sikat na showbiz couple raw at sabi ng netizens, hindi naman sila sikat.

Anyway, dahil sa Mother’s Day post ni Vin, lalong naniwala ang ibang netizens na hindi sila ang showbiz couple na magpapa-annul.

May mga nang-inis pa nga kay Aljur Abrenica, dapat daw gayahin nito si Vin para hanggang ngayon, kumpleto pa rin ang pamilya nila ni Kylie Padilla.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with