^

Pang Movies

Dating True Faith vocalist, nanggulat sa pagladlad

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Dating True Faith vocalist, nanggulat sa pagladlad
Medwin Marfil at Mark Angeles

Nagpakasal pala ang dating vocalist ng bandang True Faith na si Medwin Marfil sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mark Angeles sa isang beach sa California.

Marami ang nagulat dahil hindi naman nila alam na si Medwin pala ay kabilang sa LGBT, hindi rin naman diretsong sinabi na nagpakasal sila, pero may ikinabit na drawing ng wedding ring sa kanyang post.

Sa California ay kinikilala ang same sex marriage simula pa noong 2013.

Hindi na rin naman natin dapat ikabigla ang ganyang.

Ilang taon na rin ang nakaraan nagpakasal din sa US sina Direk Jun Lana at direk Perci Intalan, pero nagkahiwalay rin sila.

Nagpakasal din sa US sina Ice Seguerra at Liza Diño, at nagsasama pa hanggang ngayon.

Pinakasalan din ni Vice Ganda ang boyfriend niyang si Ion Perez.

Marami nang mga bakla at tomboy na Pinoy na nagpakasal. Karapatan nila iyon bagama’t ang ganyang kasal ay hindi kinikilala sa PIlipinas.

Mayroon na ring nagsampa ng kaso sa ating Korte Suprema para payagan ang same sex marriage sa Pilipinas pero pinanindigan ng Korte ang sinasabi sa ating batas na ang kasal ay sa pagitan lamang ng isang lalaki at isang babae.

Malayo pang mapahintulutan ang ganyang klase ng batas sa Pilipinas.

Janine, producer na rin

Balak na rin palang mag-produce ng aktres na si Janine Gutierrez at ang una niyang gustong gawin ay isang docu-film bio ng kanyang lolang si Pilita Corrales.

Talaga namang maganda ang buhay ni Pilita na sumikat hindi lang sa Pilipinas kundi ganoon din sa ibang bansa.

Maraming mga makukulay na pangyayari sa kanyang buhay kaya ang isang pelikula tungkol sa kanya ay panonoorin ng mga Pilipino.

Sana nga matuloy na iyan, at bagama’t hindi pa nasisimulan, sinasabi na ngang maglalabas na sila ng teasers sa Cannes para makapasok sa film market.
Tiyak mas maraming magkaka-interest sa pelikula ng ‘tunay na star.’

At take note ang gustong mag-produce niyan ay si Janine Gutierrez, na anak ni Ramoncito na anak ni Pilita Corrales at ni Lotlot de Leon, na adopted daughter naman ni Nora Aunor.

Sen. Bong, ayaw pagaling sa hospital

Kailangang humingi ng medical leave sa Senado si Bong Revilla.

Noong operahan ang kanyang paa na naaksidente sa shooting ng kanyang pelikula sinabi niyang hindi maaapektuhan ang trabaho niya sa senado dahil diumano may ipagagamit sa kanyang klase ng boots na mailalakad niya ang kanyang paa kahit na siya ay inoperahan.

Pero nagkamali yata ng tapak si Bong sumakit iyon at nang dalhin siya sa St. Luke’s Medical Center, napansin ng kanyang mga doctor na medyo bumuka ang sugat, kaya pinayuhan siyang kailangang elevated ng kanyang paa ng mga dalawang linggo, ibig sabihin talagang nakapahinga iyon.

Kung tutuusin dapat nga ay hindi na siya lumabas sa ospital dahil kailangan elevated ang paa niya, dapat nakabitin iyon. Pero mas gusto ng senador na magpagaling na lang sa kanilang farm kaysa sa ospital. 

vuukle comment

MEDWIN MARFIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with