^

Probinsiya

Trak vs van: Lola patay, 15 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 62-anyos na lola habang 15 naman ang nasugatan makaraang banggain ng pampasaherong van ang isang trak sa crossing ng Ecotou­rism Road sa Barangay Isabang sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng umaga. Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan si Lolita Palicpic ng Lipa City, Batangas habang ginagamot naman sa Lucena United Doctors Hospital ang mga kasamang nakasakay sa Isuzu truck (XMW601) na sina Henry Palicpic, driver; Ernesto Cortez, Marlon Vargas, at si Kim Palicpic. Ginagamot din sa nasabing ospital ang mga sakay ng van (UDI-313) na sina Abel Casido, Mary Joy llagas, Jonathan de la Peña, Willard dela Peña, at si Rosemarie Oliveros. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Joel de Mesa, bandang alas-5:30 ng umaga ay patungong Barangay Domoit ang trak nang salpukin ng van.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with