^

Dr. Love

Nawalan ng ina

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

 

Ang hindi inaasahang pagkamatay ng aming ina ang nagbigay sa aming magkapatid nang biglaang problema.

May asawang foreigner si nanay, na katuwang niyang nagtataguyod sa amin ng kapatid. Dahil kay Smith ay nagkaroon ng ginhawa ang buhay namin mula nang hiwalayan ni nanay ang tunay naming ama na lulon na sa bisyo ay batugan pa.

Nakabili ng bahay at lupa na tinitirhan namin ngayon at nagkaroon din ng mini-grocery na pinagkukunan ng aming kabuhayan. Si Smith din ang nagpapaaral sa amin ng kapatid ko.

Ngayon po na wala si nanay, baka maisipan niya na lang ipagbili ang bahay at lupa, kasama ng mini-grocery. Hindi ko po alam kung saan kami pupuluting magkapatid kung magkaganon.

Pero biglang sumulpot sa eksena si Tiya Chedeng, na agad sinungkaban si Smith. Nagpa­kasal sila at parang nakalimutan na lang agad si nanay. Masama po ang loob ko, bakit ganun-ganon na lang.

Ang sabi ni Smith ay praktikal na solusyon lang daw ang ginawa nila ni Tiya Chedeng para manatiling legal ang pananatili niya dito sa Pilipinas at tuluy-tuloy na masuportahan kaming magkapatid.

Dahil alam niya na sumama ang loob ko, buhat nang umalis siya at sumakay uli ng barko dahil seaman po siya sinusulatan niya ako lagi at sinasabing hindi niya makakalimutan si nanay, maging kami na itinuring na rin niyang mga anak.

Dapat po ba akong maniwala si sinasabi ni Smith, Dr. Love, payuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Tina

Dear Tina,

Sa maraming sirkumtansiya ay mahirap talagang maunawaan ang prinsipyong mayroon ang ibang banyaga. Dahil magkaiba ang kinalakihan nilang kultura at kasama na roon ang mabilis na pagpapalit ng partner sa buhay.

Pero kung nakikita mo naman na tinutupad niya ang mga pangako niya, huwag ka nang maghinanakit sa kanya at sa iyong tiyahin. Dahil hindi rin naman magdudulot ng maganda sa’yo ang pagkikimkim ng sama ng loob. Ang gawin mo at lalo pang magsikap sa iyong pag-aaral para makapagtapos ka agad at makahanap ng matatag na trabahong may magandang kita. Nang sa gayon, anuman ang mangyari hindi kayo mag-alala dahil kaya na ninyong itaguyod ang buhay ninyong magkapatid.

 DR. LOVE

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with