^

Dr. Love

Maagang nag-asawa, maagang naghiwalay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hope you are doing fine when you get this letter. Follower po ako ng  column ninyo at  walang palya ang aking pagsubaybay. Tawagin n’yo na lang akong Lara, 20 years-old.

Bata po ako nang mag-asawa. Kahit tutol ang pamilya ko ay wala silang nagawa dahil nagtanan kami ng boyfriend ko. Walang nagawa ang mga parents ko kundi pumayag na kami ay makasal.

Dalawa ang naging anak naming mag-asawa.
Pero totoo nga yatang walang kinahihinatnang mabuti ang maagang pag-aasawa. 

Mahigit isang taon na kaming hiwalay dahil ang mga hindi niya dapat gawin ay ginagawa niya, at hindi po kami magkaintindihan. Alam ninyo, mahal na mahal ko ang asawa ko pero mas pinili ko ang mga anak ko kaysa sa kanya. Mas mabuti nang magkalayo kami kaysa laging nag-aaway.

Kapiling ngayon ng mga magulang ko ang aking mga anak sa Cebu.

Pagpayuhan po ninyo ako. Balak ko kasing mag-abroad para sa kapakanan ng mga anak ko.

Lara

 

Dear Lara,

Kung mag-a-abroad ka upang takasan ang problema, forget the idea. Pero kung magtatrabaho ka para sa iyong mga anak at kung magi­ging maganda naman ang lagay mo roon, go for it.

Hindi ko alam kung ano talaga ang dahilan nang inyong paghihiwalay, pero nasubukan mo na bang makipagkasundo upang kayo ay magkabalikan? Kung mahal mo siya, explore all possibilities para ma-revive ang inyong pagmamahalan.

Ngunit kung sa kabila ng lahat ay wala pa ring mangyaring balikan, marahil ay hindi kayo laan para sa isa’t isa.

Maaari kang sumangguni sa abogado hinggil sa annulment o pagpapawalang-bisa ng kasal ninyo.

Hindi ako pabor sa hiwalayan pero kung wala nang remedyo, may mga legal measure na maaaring gawin.

Dr. Love

DR LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with