^

Police Metro

Boxing match binomba: 32 sugatan

Joy Cantos, Rhoderick ­Beñez - Pang-masa
Boxing match binomba: 32 sugatan
Sa ulat ni Chief Supt. Elmer Beltejar, Chief ng Police Regional Office (PRO)8 bago nangyari ang pagsabog dakong alas-9:01 ng gabi sa idinaraos na piyesta sa plaza ng nasabing bayan ay masayang nanonood ang mga tao sa ginaganap na amateur bo­xing competition nang bigla na lamang yanigin ng dalawang makakasunod na pagsabog ang nasabing plaza.
MIRIAM GARCIA DESACADA

MANILA, Philippines - Nasugatan ang tatlumpu’t dalawang katao makaraang sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa isang boxing match sa Plaza Rizal, Brgy. Poblacion Central, Hilongos, Leyte kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Chief Supt. Elmer Beltejar, Chief ng Police Regional Office (PRO)8 bago nangyari ang pagsabog dakong alas-9:01 ng gabi sa idinaraos na piyesta sa plaza ng nasabing bayan ay masayang nanonood ang mga tao sa ginaganap na amateur bo­xing competition nang bigla na lamang yanigin ng dalawang makakasunod na pagsabog ang  nasabing plaza.

Sa inisyal na imbestigasyon, cell phone ang detonator ng sumabog na bomba na ikinasugat ng mga nanonood ng boksing sa may plaza.

Ang mga nasugatan ay mabilis namang isinugod sa Hilongos District Hospital para malapatan ng pangunahing lunas.

Ayon pa sa report, 16 sa mga sugatan ay kasalukuyan pang naka-confine sa pagamutan habang ang 16 iba pa ay pinauwi na sa kanilang mga tahanan matapos na malapatan ng pangunahing lunas.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na isang 81 MM mortar ang gi­namit sa pagpapasabog base sa narekober na mga fragments  mula sa sumabog na bomba sa crime scene. Patuloy ang im­bestigasyon at sinisilip ang lahat ng anggulo kabilang dito kung may kinalaman ang Maute terror group sa pagpapasabog.

vuukle comment

EXPLOSIVE DEVICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with