Baller ni Digong sa pres’l campaign pina-auction ng P1M
MANILA, Philippines - Pina-auction ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang personal na baller na ginamit niya noong presidential campaign sa halagang P1 milyon sa Philippine-China business delegation sa Grand Beijing hotel.
Ang bumili ng baller ni Pangulong Duterte na ginamit nito noong kampanya ay ang negosyanteng si Johnny Sy sa halagang P1-M. Ang nasabing halaga ay gagamitin ng gobyerno upang ipandagdag sa pondo sa ipapatayong mga rehab facility.
“The money will be used to fund a drug rehabilitation facility. The baller band, which was personally worn by the President during his election campaign, was put on auction during the event,” ayon naman kay Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo.
Samantala, umabot naman sa $15 milyon ang ipinagkaloob na grant ng Chinese government para sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs at law enforcement security cooperation sa pagitan ng Pilipinas at China.
Bukod dito, naunang nagkaloob ng pondo ang China para sa ipinapatayong mega drug rehab center sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.
- Latest