^

PSN Palaro

Pacquiao minaliit ang banta ni Vargas na KO

Pilipino Star Ngayon
Pacquiao minaliit ang banta ni Vargas na KO

MANILA, Philippines – Ipinagpag ni Manny Pacquiao ang kanyang sipon, pamimitig ng mga binti at ang matapang na prediksyon ni Jessie Vargas para sa kanilang laban sa Nov. 5 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas.

Naging impresibo si Pacquiao sa sparring noong Huwebes habang papalapit ang kanillang WBO welterweight title clash ni Vargas.

Noong nakaraang linggo ay dalawang araw siyang hindi nag-ensayo matapos magkaroon ng sipon at noong Huwebes ay nahinto ang pagsasanay niya matapos mag­karoon ng leg cramps.

Kamakailan ay sinabi ni Vargas, ang may hawak ng korona na dating suot ni Pacquiao, sa boxing media sa United States na papabagsakin niya ang Filipino icon sa loob ng eight rounds.

Maaaring narinig ito ni Pacquiao .

“That’s easy to say but hard to do,” wika ni Pacquiao, lalaban sa unang pagkakataon matapos mailuklok bilang Senator  sa Philippine elections noong Mayo.

“That’s impossible,” dagdag pa nito.

Hindi ito imposible dahil noong 2012 napabagsak siya ni Juan Manuel Marquez sa final chapter ng kanilang bakbakan.

Ngunit si Vargas ay hindi si Marquez.

Hindi nagbigay ng kanyang prediksyon si Pacquiao lalo na tungkol sa knockout dahil huli siyang nagtala nito noong 2009 laban kay Miguel Cotto .

“I’m just doing my best in training,” sabi ni Pacquiao, magtutungo sa Los Angeles sa October 22 para sa isang linggong training sa Wild Card Gym.

vuukle comment

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with