^

Entertainment

‘My Mommy Ko!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star

“Ang sarap palang sabihing, ‘ANG ASAWA KO!’”

‘Yan ang sinabi ng Kumpare kong Vic Sotto!

Nung ikasal sila ni Pauleen two weeks ago,

Nang marinig, nangiti at naaliw ako!

 

Sa tinagal-tagal kasi ng aming grupo,

Ngayon lang narinig kay Vic ang linyang ito!

Ang “SARAP” kasi’y matagal nang niyakap ko,

Mulang dumating si Eileen sa aking mundo!

 

Hindi nga lang salitang “asawa” nauso

Kundi MISIS o WIFE karaniwang titulo,

Kay Eileen, pagtulog o paggising man ito,

Mula nun hanggang ngayon, tawag… MY MOMMY KO!

 

SALAMUCHA sa lahat at LABYU MY MOMMY KO!

Kahit pag nagagalit ka matagal medyo!

Sa pag-prepare ng maintenance ko, Arigato!

Sana’y ‘wag mapalitan ng may BUNGO dito!

 

Ngek! Happy lang Valentine dahil happy tayo!

At sana nga araw-araw tayo’y ganito

At kaya tumatagal din tayo siguro,

Natatagalan mo kasi ang ugali ko!

 

Sa pagta-type ng mga articles ko, thank you!

Bills, taxes, basta may paper ‘yan ang papel mo!

Alam mo naman pagdating d’yantamad ako!

He, he, hetenks din sa pagkamotlikod ko’t ulo!

 

Ops teka lang, excuse me, wala akong kuto!

I’m not Cheeta o Cheeta-eh, Starzan lang ako!

At kahit na nga aminin ko pa sa inyo

Ako’y sa MONKEY pinaglihi ng nanay ko!

 

Now you ask, swerte ba pinaglihi sa tsonggo?

Eh wala namang ginawang malas ang D’yos ko!

Si Yaya Dub nga raw pinaglihi rin dito!

GO-rilla, Oran-GO-tan, Ung-GO-y, Tsong-GO… GO, GO, GO!

 

Oy, hindi dahil Taon na ng mga Tsonggo

At sa Year of the Monkey pumasok na tayo,

‘Di ako nang-uunggoy, lahat ay totoo

I REALLY LOVE MY MONKEY este, MY MOMMY KO!

 

Ang hirap pala talaga magpaka-seryo,

Ayoko naman ng simple lang na “I Love You!”

Dapat special, ‘yung MAKAKA-WOW sa mommy ko,

MAKAKA-WOW? Ayun, MACAU ang sagot dito!

 

Sa totoo, s’ya “Wind Beneath My Wings” kasi ‘no!

Of course, “She’s The Angel On My Shoulder” kasi ‘no!

Naturalmente, “She Lights Up My Life” kasi ‘no!

Wow! Kaya nga sa Macau ‘di ba nga…  CASINO!

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with