^

Dr. Love

In-love sa may edad na balo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa akong professional pero wala pang balak mag-asawa, kung hindi lang din ang natitipuhan kong balo na doble ng edad ko ang makakatuluyan ko.

Tanggap ko na hindi maiintindihan ng karamihan ang damdamin ko, na wala sa edad ang basehan para magmahal. Kahit pa ang sarili kong ina ay pinangangaralan akong humanap nang hindi ala­ngan sa edad ko.

Hindi ko akalain kahit pa ang babaeng itinatangi ko ay ganon din. Mula nang maihayag ko kay Michelle ang damdamin ko nang gabi na pareho kaming makalimot ay hindi na niya ako nilapitan pa o kahit kausapin man lang.

Parang mababaliw na nga talaga ako, Dr. Love gaya nang sabi ni Michelle. Hindi ko kaya na hindi siya nakikita, gayong kapitbahay ko lang siya.

Isa siyang writer at hindi halata ang edad niya sa kanyang itsura dahil maalaga siya sa sarili.

Birthday niya nang kantsawan ko siyang magpakain. Nagluto siya ng kaldereta at bumili naman ako ng isang case ng beer. Naka-dawalang bote pa lang kami ay tinamaan na ng alak. Nagsosolo lang si Michelle sa bahay niya nung gabing ‘yun at naangkin ko siya.

Sa nangyari sa amin, alam kong mahal din niya ako. Pero nilayuan niya ako. Payuhan mo po ako Dr. Love kung paano ko maipapaunawa kay Michelle na tunay na ang nararamdaman ko sa kanya.

Maraming salamat sa pagpapaunlak mo sa liham ko.

Gumagalang,

Dave

Dear Dave,

Karaniwang malawak at praktikal ang mind set ng isang writer sa maraming bagay. Hindi niya kakaladkarin ang reputasyon niya, lalo na nang dalawa niyang anak na pawang babae pa naman sa kritisismo kung papatol siya sa’yo.

Maaaring tunay ang damdamin mo, pero hindi siya ang tipo nang babae na tutugmang tumugon dito. Tama ang iyong ina na mas makakabuting humanap ka ng babae na hindi alangan sa’yo.

Alam kong hindi magiging madali sa umpisa, pero hindi imposible na makalimutan mo siya at palawakin mo ang iyong pakikisalamuha para marami kang makilala na maaaring tumbasan ang ilalaan mong pagmamahal.

DR.LOVE

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with