^

Bansa

Leviste walang appointment sa dentista

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Ibinunyag ng dentista ni dating Batangas governor Antonio Leviste na wala itong appointment para sa kanyang dental check-up noong Mayo 18, kung saan nahuli ito sa aktong nakalabas ng New Bilibid Prison at nadakip ng National Bureau of Investigation (NBI) agents.

Ayon kay Florenda Yu, front desk staff  ni Dr. Pio Tripon, sinabi nito na hindi nagpa-appointment sa kanila ang dating gobernador kasabay ng pagpapakita ng kanilang logbook.

“Walang tawag, walang appointment sa amin si Mr. Leviste,” ani Yu.

Sinabi naman ni Tripon na kung may appointment  si Leviste sa kanila, tumatawag mismo ang kanyang escorts mula sa Bureau of Corrections. Aniya, dalawang ulit lamang nagtungo sa kanyang clinic si Leviste noong Setyembre.

Samantala, sinalungat ng prison guard ng NBP ang pahayag ni Leviste na alam nila ang paglabas-masok nito sa kulungan.

Sa pahayag ni Fortunato Justo, wala siyang nalalaman sa paglabas-masok ni Leviste sa NBP dahil kahit minsan ay hindi umano ito dumadaing sa kaniya na masakit ang ngipin nito taliwas sa mga ibinigay na salaysay ng dating gobernador.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng binuong fact finding committee, lumitaw sa pagsisiyasat ang mga kakulangan ng prison guard personnel na nagbabantay sa mga bilanggo at iregularidad sa ilang patakaran na ipinatutupad.

Aminado si Justo na siya ay custodial guard lamang na nakatalaga sa 22 bilanggo, kung saan siyam dito ang living in inmates at 13 naman ang nakakalabas.

Kinuwestyon naman ni prosecuting Atty. Rohaira Tamano-Lao ang paraan ng pagsasagawa ng headcount lalo na sa mga preso na may living-out at sleep-out status.

Sinabi ni Lao na batay sa manual ng BuCor, dapat na tatlong ulit na ginagawa ang headcount sa mga bilanggo.

vuukle comment

ANTONIO LEVISTE

BUREAU OF CORRECTIONS

DR. PIO TRIPON

FLORENDA YU

FORTUNATO JUSTO

LEVISTE

MR. LEVISTE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with