^

Bansa

OWWA Act aprub na!

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuluyan ng naisabatas ang Overseas Workers Welfare Administration Act na naglalayong magamit ang pondo ng OWWA para lang sa mga overseas Filipino worker at kanilang pamilya.

Ayon kay Valenzuela Rep. at incoming Sen. Win Gatchalian na pangunahing may-akda ng panukala, pinirmahan na ni Pangulong Aquino ang RA 10801 o mas kilalang OWWA Act noong nakaraang linggo.

Ayon kay Gatchalian, tagumpay ito ng mga OFW dahil sila na ang makikinabang sa kanilang binabayarang kontribusyon.

Sa ilalim ng bagong batas, hindi na maaaring gamitin ang pondo ng OWWA bilang pandagdag, ayuda o anumang pampuno sa gastos ng ibang ahensya ng gobyerno.

Nangangahulugan ito na ang Kongreso rin ang maglalaan ng pondo para sa sahod ng mga empleyado ng OWWA at panggastos para sa operasyon nito.

Nakasaad rin sa batas na ang 10 porsiyento ng koleksiyon ng ahensya kada taon ay awtomatikong mapupunta sa reintegration program para sa OFWs.

2016 OLYMPIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with