^

Bansa

Dengue lumobo, pero walang outbreak-DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Health (DOH) na hindi maituturing na outbreak ang nararanasang paglobo ng dengue cases sa bansa at hindi rin kailangan na magdeklara ng state of calamity.

Nilinaw kahapon ni Dr. Lyndon Lee Suy, tagapagsalita ng DOH, kahit pa nagdeklara na ng dengue outbreak at state of calamity ang ilang lugar sa bansa, hindi naman ito kumakatawan sa sitwasyon ng buong bansa.

Aminado si Lee Suy na may mga lugar na nakapagtala ng paglobo ng dengue cases ngunit mas marami namang lugar na nakapagtala ng pagbaba ng bilang ng kaso ng dengue.

Hindi rin aniya,  sapat na dahilan ito para isailalim ang buong bansa sa state of calamity.

Batay sa datos ng DOH, mula Enero 1 hanggang Setyembre 5, 2015 ay nakapagtala sila ng kabuuang 78,808 kaso ng dengue. Mas mataas ito ng 16.5 porsiyento kumpara sa 67,637 kaso sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon.

Pinakamaraming naitalang kaso ng sakit sa Calabarzon (11,894 cases); Central Luzon (11,806 cases); National Capital Region (8,099 cases); Ilocos region (6,501 cases); at Northern Mindanao (5,795 cases).

Nagkaroon naman nang pagbaba ng dengue cases sa mga rehiyon ng Mimaropa (1,346 kaso mula sa dating 1,646); Bicol Region (868 mula sa dating 993); Western Visayas (3,756 mula sa dating 5,718); Central Visayas (3,326 mula sa dating 3,481); Eastern Visayas (737 mula sa dating 4,508); Zamboanga Peninsula (3,981 mula sa dating 4,743); Northern Mindanao (5,795 mula sa dating 6,298); Davao Region (2,619 mula sa dating 5,849); Soccsksargen (5,109 mula sa dating 5,302); at Caraga (2,508 mula sa dating 6,046).

vuukle comment

BICOL REGION

CASES

CENTRAL LUZON

CENTRAL VISAYAS

DATING

DAVAO REGION

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. LYNDON LEE SUY

EASTERN VISAYAS

MULA

NORTHERN MINDANAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with