^

Bansa

‘Pangil’ ng Price Control iparamdam!

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinikayat ni dating Pangasinan Rep. Rachel Arenas ang pamahalaan na ipakita ang ‘pangil’ ng Price Act upang magkaroon ng leksiyon ang mga tiwaling negosyante na nagsasamantala tuwing may panahon ng kalamidad.

Ginawa ni Arenas ang panawagan sa gitna ng paghagupit ng super­bagyong Yolanda sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Hanggang hindi naipapakita sa mga tiwaling negosyante ang pangil ng Price Act ay mayroon at mayroon pa ring mga negosyante na magsasamantala sa sitwasyon,” ani Arenas, isa sa mga may-akda ng nasabing batas sa Kamara.

Ayon kay Arenas, may naghihintay na multang hanggang P1,000,000 at pagkabilanggo ng sampung taon sa mga lalabag dito.

Kamakailan, pinirmahan ni Pangulong Aquino ang Republic Act 10623, na nagpapalawak sa sakop ng Price Act upang maisama ang bottled water, prutas, instant noodles at liquefied petroleum gas (LPG) ngunit hindi na nailalabas ng DTI ang implementing guidelines.

Una nang isinama sa Price Act ang mga produktong gaya ng bigas, mais, tinapay, sariwa, tuyo at nakalatang isda at iba pang lamang dagat, karne ng baboy, baka at manok, itlog at gatas.

Kasama rin sa price freeze ang gulay, kape, asukal, mantika, asin, sabon, uling, kandila at mga gamot na ituturing na mahalaga ng Department of Health.

Kasabay nito, nanawagan si Arenas ng operation tulong para sa mga libu-libong pamilya na nasalanta ng bagong Yolanda.

“Sa panahong ito, muling mapatutunayan ang diwa ng bayanihan nating mga Pilipino kaya nananawagan ako ng tulong para sa mga kababayan na­ting nasalanta ng bagyo,” ani Arenas.

Sinaluduhan naman ni Arenas ang maagang paghahanda ng pamahalaan para sa nasabing kalamidad, gaya ng maagang paglilikas ng mga residente na nasa peligrosong lugar at paglalagay ng relief goods malapit sa mga lugar na dadaanan ng bagyo.

vuukle comment

ARENAS

DEPARTMENT OF HEALTH

PANGASINAN REP

PANGULONG AQUINO

PRICE ACT

RACHEL ARENAS

REPUBLIC ACT

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with