^

PSN Opinyon

Bagong teminal sa Elliptical circle?

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

 IBINULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na pinag-uusapan daw ng Quezon City Council ang pag-aproba sa pagbabawal ng Kyusi sa mga illegal terminals sa EDSA na sakop nila laluna sa mga terminals na sandamakmak ang reklamo.
Naku ha!

Mabuti naman.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ordinansa ay patuloy na iniihaw este mali nakasalang pala sa konseho pero sa kabila ng ginagawang hakbang ng QC Council na mapabuti ang kaayusan ng trapiko sa kyusi, ay umaalagwa diumano ang mga illegal terminal sa lungsod?

Naku ha!

Ano ba ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang hindi lang nila alam kung nakikita ito ni Mayor Bistek at ni retired General Elmo San Diego, ang bossing ng DPOS, dahil katabi lamang ng QC hall ang inerereklamong diumano’y illegal terminal ?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang hindi yata napapansin nina Mayor at Elmo ang diumano’y inirereklamong terminal sa may  Elliptical road ilang metro ang layo sa may Kalayaan Avenue at sa may harap ng PNB hanggang dyan sa may Maharlika at  mula sa kanto ng Maharlika hanggang sa may pakanan ng Philcoa nakahambalan ang mga pampasaherong jeepneys makikita rin sa bagong tayong teminal ang diumano’y mga colorum na AUV mula umaga hanggang gabi?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Alam ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na ang lugar na ibinibida nila ay may loading and unloading signage at nilagyan pa ng barrier pero ang problema ginawa itong paradahan.
Sabi nga, may barker pa!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga diumano’y colorum dahil ang mga AUV van ay sinasabing walang franchise at ang ginagamit na terminal ay ang ikinukuento nila sa itaas.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaki ang epekto nito sa madlang people na dumadaan dito dahil ang lugar na ito ay parang tinaniman ng mga vendors na nagmistulang mga kabute sa rami.

Ika nga, hirap maglakad ang madlang people sa bangketa kaya naman halos sa kalsada na sila naglalakad ang delikado dahil agawan ng mga pasahero baka sila mabundol o madisgrasiya pa.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

‘Kung maganda ang diumano’y proyekto sa ginawang pagsasaayos ng bagong terminal dyan sa Elliptical Circle, mainam na dyan na rin ilagay ang mga bus na naghambalang sa EDSA ?’ sabi ng kuwagong urot.

Abangan.

• • • • • •

Bye, US of A

PANAHON na, kung si Boss Digong magsasalita dahil gusto niyang palitan na ang diplomatic alliance ng Philippines my Philippines at ng US of A,  kaya naman parang hati rito ang paniwala ng madlang pinoy sa gustong mangyari ni bossing.
Sabi nga, may mga pumapalag pero hindi kumikibo.

Tanong - may mga magagawa ba?

Sagot - wala!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang announcement ay ibinida ni Boss Digong noong nasa China siya kaya naman kahanga-hanga ang kanyang ginawa sa pagpili niya kung Tsekwa ba o Kano?

Sabi nga, ng piliin ni Boss Digong ang China sa US of A parang kumakaway ito ng ‘goodbye Uncle Sam.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa pakiramdam nila lumayo na ang puso ni Boss Digong kay Uncle Sam at mas naging malapit ito ngayon sa China at Russian tulad ng mga ipinaramdam niya sa madlang Pinoy.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naglabas ng sama ng loob si Boss Digong kay Uncle Sam sa mga tulong na ginawa nito sa Philippines my Philippines kahit na matagal na natin naging kasangga ang mga Kano

Sabi nga, ang tulong ng US of A, ay katiting lang.

Bakit?

Sagot - iyan ang itanong ninyo kay Boss Digong?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ipinaliwanag ni Boss Digong ang ginawang pagtigil ng matagal nang grupo ni Uncle Sam sa Philippines my Philippines ay napakinabangan nila ng husto.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may binitiwan salita si Boss Digong sa wikang Kano na ‘I will not go to America anymore. I will just be insulted there.’

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakagaanan ng loob ni Boss Digong ang China kaya naman pinasampal este mali pinasuspindi na nito ang Philippines my Philippines - US of A patrols sa South China Sea at nagsabing wawakasan na ang joint military exercises.

Abangan.

vuukle comment

BUTCH M. QUEJADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with