^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi sana ningas kugon ang LTO sa wangwang, atbp.

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hindi sana ningas kugon ang LTO sa wangwang, atbp.

Ang Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP) ang inatasang manghuli sa mga hindi awtorisadong gumagamit ng wangwang, blinkers, sirens at iba pang flashing devices. Pero sumawsaw na rin ang Land Transportation Office (LTO) at sinabing paiigtingin nila ang ­paghuli sa mga motorista na ilegal na gumagamit ng wangwang at iba pa.

Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza II, ang kampanya nila laban sa mga gumagamit ng wangwang, sirena at blinkers ay may kaugnayan sa utos ni President Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang buwan laban sa mga taong gobyerno na gumagamit ng mga nabanggit. Pero ayon kay Mendoza, hindi lamang mga taong gobyerno ang kanilang babantayan at huhulihin kundi pati na rin mga pribadong motorista mismo.

Hinikayat ni Mendoza na gamitin ng mamamayan ang “Aksyon on the Spot” hotline 09292920865 para i-text o itawag ang mga sasakyan na gumagamit ng sirena at blinkers sa mga lansangan lalung-lalo na sa Metro Manila. Ireport din daw sa hotline numbers ang online scammers na nagpapanggap na LTO at nagpapadala ng fake traffic violations.

Hindi naman sana ningas kugon ang pagsawsaw ng LTO sa mga motoristang gumagamit ng wangwang, blinkers at iba pa. Kung ningas kugon lang, ituon na lang nila ang pagtapos sa mga naka-pending na driver’s license at plate number ng mga sasakyan. Sino ba ang aayaw na masuweto ang mga pasaway na motoristang gumagamit ng wangwang, blinkers at sirens. Mabuti nga at may katulong ang HPG sa pagpapatupad ng batas.

Noong Abril 11, ipinagbawal ni President Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal at tauhan ng gobyerno ang paggamit ng wangwang, sirens, at iba pa. Ang kautusan ay nakapaloob sa Administrative Order No. 18. Hindi na bago ang pagbabawal sa mga ito sapagkat noong 2010, ipinatupad na rin ito ni dating President Benigno Aquino Jr.

Sana nga, tuluy-tuloy na ang pagdakma sa mga sasakyang may blinkers, sirens at iba pa. Ipagpatuloy ng HPG, LTO at maski ng MMDA ang pagdakma sa mga abusadong motorista. Paigti­ngin din naman ng MMDA ang paghihigpit sa mga abusadong motorista na dumadaan sa bus lanes. Ayon sa MMDA ang mga maaari lamang gumamit ng bus lane ay ang convoys ng Presidente, Bise Presidente, Speaker of the House, Senate President, at Supreme Court Chief Justice.

vuukle comment

HPG

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with