^

PSN Opinyon

Babaing pulitiko sa Thailand, nahuli ng kanyang mister na kasiping sa kama ang ampon nilang monghe!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang babaing pulitiko sa Sukhothai, Thailand ang sinuspinde sa kanyang posisyon matapos mapatunayan na may relasyon ito sa ampon niyang 24-anyos na Buddhist monk!

Isang maeskandalong isyu ngayon ang mainit na pinag-uusapan sa Thailand matapos mag-viral ang video ng 45-anyos na si Prapaporn Choeiwadkoh na kasiping sa kama ang ampon niyang si Phra Maha.

Ayon sa 64-anyos na mister ni Prapaporn na si Ti, inampon nila noong 2023 ang monghe na si Phra mula sa isang Buddhist temple dahil naaawa ang kanyang misis dito.

Sa kulturang Thai Buddhism, ang pag-sponsor o pag-ampon sa isang novice monk ay pinaniniwalaang nakapagbibigay ng good karma. Pero imbis na good karma ang napala ni Ti, nagulat na lang siya na ang magkatabi na sa kama ay ang kanyang misis at ang kanilang ampon.

Ang naturang viral video na may habang 33 se­conds ay kuha mismo ni Ti. Ilang buwan na kasi siyang naghihinala na may relasyon ang kanyang misis at ang ampon nilang monk dahil napapansin niyang iba na ang pagiging close ng mga ito sa isa’t isa.

Isang umaga, nasa Bangkok si Ti para sa kanyang business. Nagtaka siya dahil hindi niya makontak ang misis samantalang alam niyang nasa bahay lang dapat ito. Nagkaroon siya nang malakas na kutob na may ginagawa itong masama kasama ang kanilang ampon kaya nagmaneho siya ng limang oras mula Bangkok papuntang Sukhotai.

Mapapanood sa video na dahan-dahang naglakad si Ti papunta sa kanilang kuwarto. Pagkabukas niya ng pinto, nahuli niyang magkatabi sa kama ang misis at ang kanilang ampon.

Hinablot ni Ti ang kumot na nakatakip sa dalawa at kitang-kita sa video na hubo’t hubad ang mga ito. Maririnig sa video ang boses ni Ti at tinanong nito ang misis ng: “Masaya ba kayong dalawa?”.

Matapos kumalat ang video, itinanggi ni Prapaporn na may relasyon sila ni Phra. Ayon dito nag-uusap lamang sila nang dumating ang kanyang mister.

Sa kasalukuyan, sinuspinde na si Prapaporn sa kanyang posisyon bilang president ng local chamber of commerce ng Sukhotai. Inalis na rin siya bilang miyembro ng Democrat party, ang pinakamatandang political party sa Thailand.

vuukle comment

BUDDHIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with