^

Dr. Love

Nabuko sa FB

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko po alam kung sisisihin ko ang sarili ko sa nangyaring pagkakahiwalay ng kuya ko at asawa niya, matapos kong mabisto ang hipag ko na may kayakap na ibang lalaki sa facebook.

Nagtatrabaho bilang domestic helper ang hipag ko sa abroad, Dr. Love at nang minsan mag-online ako ay hindi ko inaasahang makita ang ilang picture niya na may kayakap na ibang lalaki.

Mukhang nadulas din siya nang mamalayang kapatid ng asawa niya ang kakwentuhan niya. Pero hindi ko naman siya kinakitaan nang pag-aalala o pagpapaumanhin sa pagkabuko ko sa kanya.

Nang kami ni kuya ang magkausap ay hindi ko napigilan ang aking sarili na sabihin sa kanya ang kalokohan ng hipag ko. Una kasing pinagbitangan nila ang kapatid ko na nambababae na wala namang katotohanan.

Ang bintang na iyon sa kapatid ko ay naging dahilan ng misis niya para hakutin ang apat nilang anak at ipaalaga sa isa niyang kapatid. Doon siya nagpapadala ng pera, pero niloko lang siya dahil nilustay niya itong lahat.

Nagkabistuhan na nang umuwi ang hipag ko. Nalaman niya na hindi sa mga bata napupunta ang ipinapadala niya at ang sinasabing lupa na hinuhulugan ay imahinasyon lang.

Nagpasya ang kapatid ko na kunin ang mga anak nila. Ngayon ay walang-wala na ang hipag ko, kaya sa awa ay pansamantala ko siyang pina­tuloy sa bahay namin.

Sinabi ko na baka mapatawad din siya ni kuya at maayos ang pamilya nila. Pero hindi pa nagtatagal ay nagkaroon na naman siya ng boy­­friend. Bago siya muling umalis para mag-abroad sinabi niya na sa akin na siya magpapadala ng pera para iabot ko kay kuya bilang suporta sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Pinayuhan naman ako ng asawa ko na huwag nang makipagmabutihan sa hipag ko at baka kagalitan naman ako ng aking kapatid. Dapat ko bang putulin na ang komunikasyon sa hipag ko, Dr. Love? Payuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Anita 

Dear Anita,

Kung ikaw na lang ang natitirang tulay para magkaroon ng ugnayan ang kuya mo at asawa niya, bakit mo naman ‘yun babalewalain. Sa tingin ko, hindi naman magagalit ang kuya mo kung ang kapakanan ng mga pamangkin mo ang intensiyon mo sa pakikipagkomunikasyon sa asawa niya.

At anong malay natin na isang araw ay matauhan ang hipag mo, pagsisihan ang mga nagawa niya at bumalik sa kuya mo. Atleast may masa­sabihan siya.

DR. LOVE

vuukle comment

FACEBOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with