TV Host, nang-eklay ng negosyante
Nagkakilala ang isang female host at negosyanteng babae sa isang event kung saan invited si host.
Eh nalaman ng host na may boutique pala si negosyante na mga mamahaling damit na branded ang laman.
Umandar ang pagiging chikadora ni host. Napapayag niyang maging sponsor ng damit sa show si negosyante na kanyang ibabalik nang maayos after her show.
Nung una eh maayos ang negotiation nilang dalawa at kung bibilhin eh bibigyan ang host ng discount.
Pero habang tumatagal eh pumapalya si host na ibalik ito. Kaya dumalang ang pagpapahiram ng negosyante ng damit.
Eh minsan, pumasyal ang host sa shop nang hindi alam ng negosyante. Nagulat na lang siya at kumuha ng damit kahit nagbilin siya sa staff na huwag pahiramin at umaabuso!
So ang ginawa ng negosyante, umayaw na siyang maging sponsor ng damit ni female host at blinock na niya ito sa phone!
Sa umaga na lang pumupunta sa show si negosyante para hindi maabutan ng female host after ng show niya!
Guests ng COJ, pahulaan ang sked
Guessing game pa kung anong araw ang salang ng guests ng Cup of Joe (COJ) sa kanilang Symphony concert sa Araneta Coliseum sa Dec. 3 and 4.
Ang unang guests ay sina Paolo at Miguel ng Ben&Ben. Eh nitong nakaraang mga araw, inanunsyo na magiging guest din si Anne Curtis!
Eh sold-out ang first concert ni Anne sa Araneta Coliseum, ‘di ba? So malaking hatak din ang guesting niya sa COJ!
Pero walang announcement kung isang gabi o dalawang gabi ang guesting ng guests ng Cup of Joe sa Big Dome!
- Latest


























