^

Metro

24-anyos timbog sa nakaw na P328K

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
24-anyos timbog sa nakaw na P328K
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 24-anyos na lalaki nang matunton ang mga tina­ngay na 6HP airconditioning unit, commercial kitchen equipments, at iba pa sa isang junk shop na nagkakahalaga ng P328,000.00 sa follow-up operation ng Marikina City Police Station, sa Barangay Parang, Marikina City, nitong Linggo.

Sa reklamo ng 69-anyos na negosyante, dakong alas-9:15 ng umaga ng Oktubre 4, nang magtungo siya sa kanyang establisyem­ento sa General Ordonez St. at natuklasang sira ang door knob.

Sa impormasyon ng driver ng side car ay natunton ang suspek at ang mga gamit sa isang junk shop, sa M.L. Que­zon St., at nabawi ang isang 6HP air-conditioning unit na nagkakahalaga ng P188,000, mga gamit pang-commercial kitchen, point-of-sale peripherals, uninterrupted power supply, projector, radio system, at iba pa na aabot sa halagang P328,000.

Bigong narekober ang ibang gamit at patuloy  ang imbestigasyon ng insidente.

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with