^

PM Sports

Student Regent pinabilib mananaya sa Prince Cup

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakapanood muli ng magandang laban ang mga karerista nang manalo ang Student Regent sa 2026 MMYCI 3rd Leg Prince Cup - 3 Year Old Imported Horse na nilarga sa Mtero Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Hinangaan ng mga kareristang nakasaksi ng laban sa pagkakapanalo ng Student Regent na sinakyan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate.

Mabilis na lumabas ng aparato ang Top Player para hawakan ang bandera subalit kinapitan agad ito ng Saratoga Slack habang nasa tersero ang liyamadong Student Regent.

Umungos ng isa’t kalahating kabayo ang Top Player sa Saratoga Slack sa kalagitnaan ng karera habang lumalapit sa kanila ang nasa tersero puwestong Student Regent.

Pagsapit ng far turn ay halos magkapanabayan na sa unahan ang Top Player, Saratoga Slack at Student Regent na sa bandang labas dumaan.

Uminit ang labanan sa unahan pagdating ng huling kurbada, pero sa rektahan ay nakitaan na ng husay ang Student Regent.

Tinawid ng Student Regent ang meta ng may tatlong kabayong bentahe sa pumangalawang Saratoga Slack, tersero ang Top Player habang pumang-apat ang Windmill Of Summer.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with