^

True Confessions

Suklam (50)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“SALAMAT at pinagbigyan mo ako na magkausap tayo Brent,’’ sabi ni Julio maka­raang mag-order ng pagkain.

“Walang anuman yun, Julio.’’

“Wala kasi akong ibang taong makausap na pagsasa­bihan ng problema. Ang mga kapatid ko e nasa ibang bansa. Isa na lang ang kapatid kong narito. Kaya ikaw ang naisip kong paghingahan ng problema. Nagtitiwala ako sa’yo, Brent.’’

“Salamat sa pagtitiwala, Julio.’’

“Natatandaan mo na nag­kausap tayo nung isang araw—tinawagan kita at tinatanong ko kung pumasok si Vivian?’’

“Oo Julio natatandaan ko. Sabi ko, wala si Vivian.’’

“Oo. Nang araw palang iyon, umalis na si Vivian at ang lalaki niya. Nagtungo sa kung saang lugar na hanggang ngayon, hindi ko alam. Tini-text ko at tinatawagan pero walang sagot. Patay ang cell phone. Nang dumating ako galing abroad, saka ko nakumpirma ang lahat. Sinabi ng kapatid ko.’’

“E nasan ang anak n’yo, Julio?’’

“Nasa sister-in-law ko. Dun dinala ni Vivian saka umalis kasama ang lalaki. Hiyang-hiya sa akin. Wala siyang ma­sabi sa ginawa ni Vivian.’’

Tahimik lang si Brent. Nakikinig lang siya sa pagkukuwento ni Julio.

“Natulala ako makaraang­ malaman ang ginawa ni Vivian­. Sumunod na naisip ko, ha­napin sila at bahala na kung ano ang magawa ko. Pero sa dakong huli, nakapag-isip ako. Kung mapatay ko sila, walang ibang kawawa kundi ang anak ko. Kawawa naman siya. Wa­­lang magpapalaki sa kanya.

“Kaya, iwinaksi ko ang paghihiganti. Hinayaan ko na sila. Magsama na sila. Palala­kihin ko na lang ang anak ko. Ang hindi ko lang malaman ay kung paano sasabihin sa anak ko kung nasaan ang kanyang mommy.

“Kaya kita inanyayahan Brent ay hihingi ng payo  kung ano ang sasabihin sa anak ko. Baka may maipapayo ka—baka may ideya ka kung paano ipa­uunawa sa anak ko ang lahat.’’

Napatungo si Brent.

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with