^

True Confessions

Suklam (21)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

MATAGAL nang nakaalis si Vivian ay nag-iisip pa rin si Brent. Nasa Japan pala si Sir Julio kaya hindi kasama ngayon ni Vivian. Limang araw daw sa Japan, ayon pa kay Vivian. Tiyak, kapag wala ang pusa, malaya ang mga daga. At hindi na nagtataka pa si Brent sapagkat kahit na narito ang “pusa” ay “naglalaro” ang mga daga. Kanina lamang ay magkasunod na dumating sina Vivian at Oscar at tiyak na “idinaos” na naman nila ang init ng katawan. Siguro, nagsasawa na sila sa stockroom kaya sumubok naman ng ibang lugar. At tiyak na si Vivian ang nagyaya kay Oscar na umiba sila ng lugar. Kanina, nahalata ni Brent na masaya si Vivian. Ang hindi lamang niya maipaliwanag ay kung bakit lumapit pa ito sa kanya para sabihin na pinakukumusta ni Sir Julio o July. Totoo kaya ‘yun o paraan lamang ni Vivian para makausap siya kanina. Baka naman totoo dahil mabait si Sir Julio. Binigyan pa nga siya ni Sir Julio ng calling card at sinabi pa na kung may problema ay huwag mag-atu­biling tawagan siya. Gusto siyang maging kaibigan ni Sir Julio.

Mabait si Sir Julio. At kapag naaalala ni Brent ang mga tagpo­ sa stockroom kung saan nahuli niyang nagtatalik sina Vivian at Oscar ay gusto na niyang tawagan si Sir Julio para ibulgar ang kataksilan ng dalawa.

Pero nagdadalawang-isip pa rin si Brent. Kailangang may matibay siyang ebidensiya. Kailangan, makunan niyang retrato ang dalawa habang may “ginagawa” sa stockroom.

 

MINSAN, nagkasabay sila ni Oscar sa comfort room. Habang dyumidyinggel ay tinanong siya ni Oscar.

“May chick ka na ba Brent?’’

Nagulat si Brent.

“Wala pa Oscar. Ba’t mo naitanong?’’

Napangisi si Oscar.

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with