^

True Confessions

Dioscora (136)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“KAHANGA-HANGA ka JC,” sabi uli ng manager. “Gaya ng sabi ko, bihira ang naka­kagawa na nakatapos ng pag-aaral at nag-top sa board exams. Amazing!’’

Ngumiti si JC sa sinabi ng manager.

“Ako, topnotcher din ako ng ME board exam maraming taon na ang nakararaan pero nagawa ko yun dahil maykaya kami. Nagrebyu ako sa isang review school. Halos wala akong ginagawa kundi ang magreview. Kain-review-tulog ako nun. Kaya naman nakuha ko ang first place. Pero ikaw, working student. Walang oras para mag-review at nag-top.

“Nang mabasa ko ang story mo, nasabi ko sa sarili, kailangang ang mga katulad mo ang i-hire talaga ng mga malalaking kompanya. Nakasisiguro ang mga may-ari ng kompanya na magigng dedicated ang mga katulad mo sa trabaho. Ang mga katulad mong laki sa hirap ang nagiging mahuhusay na executives.

“At alam mo JC, pa­lagay ko, magiging mabilis ang pag-angat mo sa kom­panyang ito. Mark my word.’’

Nagulat si JC.

“Sir ibig mong sabihin, tanggap na ako rito?’’

“Oo naman. Pero kakausapin ka pa ng pinakamataas—ang may-ari. Tiyak magugustuhan ka niya. Siya nga ang may gustong kunin ka makaraang mabasa ang story mo sa newspaper.’’

“Kailan po ako kakausapin ng may-ari?’’

“Bukas.’’

Itutuloy

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with