^

True Confessions

Kaibigan (111)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Bakit nakatingin ka na naman sa labas, Dex?’’ tanong ni Tess. Napansin pala nito ang kanyang pagtingin sa labas.

‘‘Naramdaman ko na naman na may nakatingin sa atin, Tess. Lihim tayong sinusubaybayan.  Pero wala naman akong makitang tao. O imagination ko lang ‘yun.’’

Tumingin sa labas si Tess.

‘‘Wala rin akong makita. Baka nga imagination mo lang ‘yan. Sino naman ang susubaybay sa atin?’’

‘‘Palagay ko nga imahinasyon lang. Mahilig kasi akong manood ng horror movies sa Netflix.’’

‘‘Ano naman kayang kaugnayan ng horror movies sa nai-imagine mong nakasubaybay sa atin.’’

‘‘Di ba baka nagpaparamdam. Lalo at malapit na ang Araw ng mga Patay. Baka hindi na nadadasalan ng kamag-anak ang kaluluwa ng yumao.’’

‘‘Tumatayo ang balahibo ko, Dex. Pasok na nga tayo sa loob at parang bigla akong gininaw.’’

‘‘Halika na..’’

‘‘Mabuti pa kumain na lang tayo at baka gutom lang ang dahilan ng mga ito.’’

‘‘Mabuti pa nga.’’

Nagsandok ng kanin at ulam si Tess at kumain sila.

‘‘Masarap ang pagkakaluto mo Tess. Lutong bahay talaga.

‘‘Nakakahiya naman sa’yo kung hindi ko sasarapan.’’

Nagtawanan sila.

ISANG umaga ng Sabado na walang pasok ang dalawa, may sinabi si Dex kay Tess.

‘‘Gusto ko mag-beach tayo Tess—Puerto Galera.

‘‘Sige kailan?’’

‘‘Next week.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

DEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with