^

True Confessions

Monay (105)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Tama ang ginawa mo na pagpreserve diyan sa cart. Pagdating ng araw na isa ka nang matagum-pay na executives, maaalala mo lagi ang pinagdaanan kapag makikita mo ang cart. Marami na akong nabasa mula sa mga nagtagumpay na tao na malaking bagay sa kanila na may nakikitang alaala ng kahapon.’’

“Ganyan nga ang nasasaisip ko Cath. Kaya lagi kong sinisiguro na hindi nauulanan at naaarawan ang fishball cart ko.’’

“Tama! Ipagpagawa mo kaya ng garahe yan. Para safe na safe.’’

“Balak ko nga, Cath.’’

Niyaya na ni Joem si Mam Cath sa loob ng bahay.

‘‘Maupo ka, Cath,’’ anyaya ni Joem nang nasa loob na sila.

Naupo si Cath.

‘‘Maayos at malinis naman ang bahay mo, Joem.’’

“Kanina ko lang nilinis.’’

“Cute ang bahay mo. Sabi mo naipundar ito ng father mo noon pa.’’

‘‘Oo. Nagtatrabaho ang papa ko sa pabrika nun nang ipundar ito. Sabi ni Mama, ito ang unang pinundar ni Papa dahil mahalaga na mayroong sariling lupa at bahay. Fifty square meters lang ang sukat ng lote.’’

“Etong house ilan ang sukat?’’

“Thirty square meters. Mayroon pa akong space sa harap.’’

Napatangu-tango si Mam Cath habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay.

‘‘Teka at ipagluluto kita   ng fishball. Dito ka muna.’’

“Panonoorin kita.’’

“Mag-aamoy fishball ka, ha-ha-ha!’’

“E ano naman kung amoy FB.’’

Tumayo si Mam Cath at sumunod kay Joem sa kusina.

“Ihahanda ko ang kawali na paglulutuan ng FB.’’

“Ang sauce lulutuin mo rin?’’

‘‘Oo. Yung maanghang kong sauce, niluluto ko. Yung iba, hindi na dahil vinegar lang naman at saka sibuyas.’’

Isinalang na ni Joem sa kalan ang kawali. Nang mainit na, nilagyan ng mantika. Maraming mantika.

“Ba’t andaming mantika, Joem?’’

“Para maluto nang ayos ang FB. Dapat nakalangoy sa mainit na mantika.’’

Nang kumukulo na ang mantika, ibinuhos ni Joem ang isang supot na fishball.

“Saan ka bumili niyan, Joem?’’

‘‘Sa Divisoria. May tindahan dun na pawang FB at squidball ang tinda.’’

Maya-maya pa, naglutangan na ang mga fishball. Umalsa ang mga ito.

“Malapit nang maluto,’’ sabi ni Joem.

Tuwang-tuwa si Mam Cath habang hinahalo ni Joem ang mga FB.

(Itutuloy)

vuukle comment

MONAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with