^

True Confessions

Alupihan (220)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KAILAN tayo pakakasal Kuya?’’ tanong ni Hani habang nakahilig sa balikat ni Cris. Nasa lilim pa rin sila ng punong Banaba na nasa pampang ng sapa. Naririnig nila ang lagaslas ng sapa.

‘‘Pag-uusapan natin. Ikaw ang bahala kung kailan mo gusto.’’

“Puwede ba next year Kuya kasi patatapusin ko muna sa pag-aaral ang kapatid kong babae. Gradua­ting na siya next semester.’’

“Oo. Ikaw ang bahala.’’

“Nangako kasi ako kay tatay at nanay na ako ang magpapaaral sa kapatid ko.’’

“Walang problema. Pagtutulungan natin ang pagpapaaral.’’

“Salamat Kuya. Talagang napakamaunawain mo.’’

“Kasi mabait ka rin at mapagmahal. Ganyan ang ugaling gusto ko sa babae.’’

Inihilig pa ni Hani ang ulo sa balikat ni Cris. Masuwerte talaga siya kay Cris. Hindi siya nagkamali sa pagpili rito.

“Ipasyal mo pa ako Hani. Saan pa magandang magtungo rito?’’

“A halika, ituturo ko sa iyo kung ang taniman ng ma­lagkit na palay na ginagamit ni nanay sa paggawa ng suman. Tamang-tama, nahihinog na ang mga yun.’’

“Tena.’’

Tinungo nila ang taniman ng malagkit na nasa ‘di-kala­yuan sa sapa.

Isang ektarya ang taniman ng malagkit na ginagawa ng suman. Malayo pa sila ay nasa­samyo na ang nahihinog na palay.

“Ang bango ano Kuya?’’

‘‘Oo. ‘Yan na ba ang ma­lagkit?’’

“Oo. ‘Yan ang ginagawang suman at sinukmani.’’

Pinagmasdan ni Cris ang butil ng malagkit. Mapipintog ang mga ito.

‘‘Lahat ba ito ay para sa suman?’’

“Hindi naman. ‘Yung sobra binibenta ni Tatay. Mahal kasi ang malagkit Kuya.’’

“Ah ganun ba?’’

“Halika dun naman tayo sa niyugan. Dun naman kinukuha ang panggata sa bigas na gagawing suman. Magaganda ang klase ng niyog dun.’’

“Halika, gusto ko ring ma­kakita ng malalaking niyog.’’

Mga 10 minuto ang kanilang nilakad bago narating ang niyugan.

“Eto ang niyugan. Namana naman ito ni Nanay. Isang ektarya ito, Kuya. 

“Magandang klase ang niyog. Malalaki ang bunga.’’

“Oo Kuya.’’

Maya-maya ay nagyaya na si Hani.

“Umuwi na tayo Kuya at baka naghihintay na sila sa atin. Saka nagugutom na ako.’’

Umuwi na sila.

Hinihintay na nga sila ng nanay ni Hani. Kakain na raw sila. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with