^

True Confessions

Alupihan (215)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Magpapakasal tayo Hani,’’ sabi ni Cris na halatang ma­sayang-masaya ang boses. Pinipisil niya ang malambot na palad ni Hani.

“Ang bilis mo naman Kuya. Ngayon ka lang nagtapat e kasal na agad ang gusto mo.’’

“Ganito talaga ako Hani. Mabilis akong mag­pasya. Baka kasi maunahan pa ako ng iba.’’

“Wala ka namang karibal sa akin, Kuya.’’

“Kahit pa. Iba na ang panahon ngayon, Maya. Kailangan e mabilis umaksiyon.’’

Napahagikgik si Maya.

“Iba ka pala Kuya.’’

“Iba talaga akong magmahal, Maya.’’

“Talaga bang totoo ang mga sinasabi mo Kuya? Hindi ka ba nabibigla lang kasi alam ko naman na hindi ako maganda. Medyo seksi at makinis lang ang kutis ko pero hindi maganda ang mukha.’’

“Maganda ka Hani. Ako ang paniwalaan mo. Wala kang kasingganda!’’ At saka muling pinisil ni Cris ang malambot na palad nito.

May luhang namalisbis sa mga mata ni Hani.

“O luluha pa.’’

“Luha ito ng kasiyahan Kuya. Labis mo akong pi­nasaya.’’

“Ako rin labis mo akong pinaligaya, Hani.’’

“Gusto kong maki­lala ka ng mga magulang ko at mga kapatid.’’

“Uuwi tayo sa probinsiya n’yo Hani. Gusto ko silang makilala. At ako na mismo ang mag­sasabi sa kanila na pakakasal tayo.’’

Sa labis na kaliga­yahan ay niyakap ni Hani si Cris. Mahigpit na mahigpit ang pagyakap.

Damang-dama ni  Cris ang init ng pagmamahal ni Hani sa pagkakayakap. Talagang mahal nila ang isa’t isa.

(Itutuloy)

vuukle comment

HANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with