^

True Confessions

Alupihan (208)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Halos nakakatulad nang namayapa niyang asawa na si Maya si Hani. Inobserbahang mabuti ni Cris si Hani habang nagluluto ito ng almusal. Parehas na parehas kung kumilos. Ang kanyang namayapang asawa na si Maya ay kabisadung-kabisado ang mga gagawin. Sanay na sanay sa pagluluto ng almusal. Paboritong iluto ni Maya sa almusal ay pork tocino, fried egg at sinangag na may bawang. Masarap itong magtimpla ng kape.

At labis siyang nagtataka sapagkat ganito rin ang ginagawa ni Hani sa kanya. Parang nahulaan ni Hani ang mga niluluto sa almusal ni Maya. Nagkataon lang kaya iyon?

Nahihiwagaan si Cris  sa mga nangyayari.

Pati sa paglalaba ng damit ay kuhang-kuha ni Hani ang mga ginagawa ni Maya. Pati ang paraan ng paglilinis sa bahay ay magkapareho rin sina Maya at Hani.

Nahihiwagaan talaga si Cris.

Sinundan pa niya ng tingin si Hani habang nag­luluto. Bakit magkapareho sila ni Maya. Si Hani kaya   ay reincarnation ni Maya?

At saka lihim siyang napangiti. Kung anu-ano ang naiisip niya.

Lingid kay Cris, napapansin na pala ni Hani ang pagsulyap-sulyap niya. Nagtanong si Hani.

“Bakit mo ako tiniting-  nan Kuya?’’

Nagulat si Cris.
“Ha? A e wala! Napatingin lang.’’

“Akala ko e meron kang nakitang kakaiba sa akin.’’

“Wala! Wala!’’

“Huwag ka nang aalis Kuya at kakain na tayo. Luto na ang almusal natin.’’

“Ano ba ang niluto mo Hani?’’

“Daing na galunggong Kuya at itlog na maalat. May mainit na barakong kape rin.’’

Nahiwagaan na naman si Cris. Ganito rin ang niluluto ni Maya sa almusal  nila noong nabubuhay pa!

Anong misteryo meron si Hani? (Itutuloy)

Alupihan  (208)

Ronie Halos

vuukle comment

HANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with